UMAPELA ang mga economic manager ni Pangulong Duterte sa World Bank kaugnay sa pagbagsak ng ranking ng Filipinas sa pagnenegosyo.
Sa latest ranking ng Ease of Doing Business ng World Bank, lumagapak sa ika-124 puwesto ang bansa mula sa ika-113 noong nakaraang taon.
Nais ipatuwid ng mga economic manager ni Pangulong Duterte ang nasabing ranking ng bansa kaya sumulat ang mga ito sa World Bank.
Giit ng mga economic manager, ‘grossly inaccurate’ ang mga inilabas na datos ng World Bank kaugnay sa pagbubukas ng negosyo sa bansa.
Naniniwala naman ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na walang sapat na basehan ang WB sa pagbagsak ng ranking ng Filipinas sa larangan ng pagnenegosyo.
Ayon kay PCCI chairman George Barcelon, ikinagulat ng maraming negosyante at investors sa bansa ang lumabas na resulta ng ranking.
Aniya, inaasahan nila ang pag-angat ng puwesto ng bansa sa ‘Ease of Doing Business’ bunsod na rin ng mga repormang inilalatag ng pamahalaan.
Dagdag pa niya, mas maganda naman ang ipinapakita ng bansa pagdating sa pagnenegosyo sa ilalim ng Duterte administration kumpara sa mga nagdaang gobyerno. CONDE BATAC
Comments are closed.