ELASTO PAINTERS LALAPIT SA FINALS; HOTSHOTS TATABLA

PBA Philippine Cup

Laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

7 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia

MAKARAANG magwagi sa Game 3 bago ang Holy Week break, puntirya ng Magnolia na itabla ang serye sa 2-2 sa muli nilang pag­haharap ng Rain or Shine sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals ngayon sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Hotshots ang Elasto Painters sa alas-7 ng gabi kung saan determinado itong kunin ang ikalawang sunod na panalo at palakasin ang kanilang title campaign matapos na angkinin ang Governors’ Cup kontra Alaska.

Nasa Magnolia ang momentum at tiyak na sasamantalahin ito ni coach Chito Victolero para maitabla ang serye sa 2-2 sa una nilang ­paghaharap ni coach Caloy Garcia sa semifinals.

Magmula nang palitan ni Garcia si Yeng Guiao bilang coach ng Rain or Shine ay hindi pa nito nabibigyan ng korona ang koponan.

Kinuha ng RoS ang unang dalawang laro at rumesbak ang Magnolia sa Game 3 upang mapi­gilan ang Elasto Painters na makalapit sa finals.

Kailangang gumawa si Garcia ng epektibong formula para manalo dahil sa sandaling muli silang mabigo ay malalagay sa alanganin ang kanilang title campaign dahil ‘highly energized’ at mataas ang morale ng Hotshots papasok sa Game 5.

“We will exploit the momentum of our victory in Game 3 to equalize the series. I instructed my players to play above board and go for a win,” sabi ni Victolero.

Muling sasandal si Victolero sa kanyang mga kamador na sina Paul Lee, Andy Mark Barroca, Jio Jalalon, Robert Herndon, Rome de la Rosa, at Al-drich Ramos, gayundin sa kanyang ‘big men’ na sina Ian Sangalang at Rafi Reavis na  makikipagbanggaan kina Beau Belga at Jewel Ponferada sa low post.

Tatapatan ang opensiba ng Magnolia nina James Yap, Maverick Ahanmisi, Gabe Norwood, Rey Mambatac, Kris Rosales, Ed Daquoag, Mark Bor-boran, Norbert Torres at Jayvee Mocon. CLYDE MARIANO

Comments are closed.