ELIAS KAILANGAN ANG BUONG PAMILYA – JOHN LLOYD CRUZ

Matibay at maligayang pagsasama ang hiling ni John Lloyd Cruz para sa kakakasal pa lamang na ex-girlfriend na si Ellen Adarna at kapwa actor Derek Ramsay.

Ani John Lloyd, nakita na ni Ellen ang tamang lalaki para sa kanya at masaya siya para dito.

“Nagsisimula at natatapos sa anak namin ang relasyon namin nga­yon,” aniya.

Naniniwala siyang ma­kabubuti sa anak ni­lang si Elias Modesto ang isang buong pamilya. Sa ngayon, ang mahalaga raw kay JLC ay ang maka­bubuti sa kanyang anak.

“I try my best to lead without imposing. As much as possible, I try to bring him (Elias) closer to nature,” ani John Lloyd.

Nagsama sina JLC at Ellen noong 2017, nagkaanak noong 2018, at naghiwalay noong 2019. May hindi man sila pinagkasunduan, maayos naman ang co-parenting nila kay Elias. Ayaw ni Ellen na madamay ang bata sa kung ano mang problema nila.

Speaking of Derek and Ellen na katatapos pa lamang ng kasal noong November 11, nagpaplano silang mag-honeymoon sa Africa at Europe.

Ayon sa mga kaibigan ni Derek, ngayon lang nila nakitang ganun kasaya ang aktor. Kapansin-pansin ding humahaba na ang buhok ni Derek dahil ayaw pala ni Ellen na kalbo siya.

“Mas gusto ni Ellen na may buhok ako. Retired na yung kalbo look,” ani Derek.

Babalik na sa pag-arte si Derek next year via isang international film na sa Pilipinas kukunan. Matagal na raw dapat ito na naudlot lang dahil sa pandemic.

Si Ellen naman, pwedeng pwede raw itong tumanggap ng offers. Si Ellen umano ang magdedesisyon tungkol dito. Pero sa ngayon, mas pinagtutuunan nila ng pansin ang kanilang European-African Honey­moon. Minsan lang nga naman ikasal, di ba? – KAYE NEBRE MARTIN