FILIPINO BIZMEN KASAMA  NI DUTERTE SA RUSSIA

Ma. Amelita C. Aquino

KASAMA sa delegasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita sa Russia ngayong Oktubre ang malaking bilang ng mga negosyanteng Filipino.

Tampok sa nakatakdang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Siochi at Moscow, Russia ang pagsaksi nila ni Russian President Vladimir Putin sa paglagda ng mga bilateral agreements sa areas ng culture, health, at  basic research.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Assistant Secretary for European Affairs Ma. Amelita C. Aquino, inaasahang magiging produktibo ang pangalawang pagkakataon ng pagbisita ng Pangulong Duterte sa nasabing bansa sa Oktubre 1 hanggang 5.

Ito ang ika-apat na pagkakataong pagpupulong ng dalawang lider ng bansa, ang una ay noong  Nobyembre 2016 sa sidelines ng APEC Summit in Peru, na sinundan noong Mayo 27, 2017 na u­nang pagbisita ng Pangulong Duterte sa Russia,at noong Nobyembre 27, 2017 sa  sidelines of the APEC Summit sa Dan Nang, Vietnam.

Magpapalitan ng pananaw ang dalawang lider sa mga global at regional developments na makaaapekto sa dalawang bansa gayundin ang pagpapalawak sa kooperasyon sa iba’t ibang areas.

Ang nakatakdang meeting ng dalawang li­der ay gaganapin sa  Sochi kung saan sina Pangulong Duterte, Putin at mga imbitadong lider ng mga bansa ay magbibigay ng talumpati sa  Plenary Session ng Valdai Forum sa Oktubre 3 na may temang  “The World Order Seen from the East.”

Ayon kay Aquino, ang naturang forum ay inorganisa ng Valdai Discussion Club, isa sa mga prestihiyosong  think tanks and discussion group sa Russia.

Mula sa Sochi ay tutuloy ang Pangulong  Duterte sa Moscow upang dumalo sa Philippine-Russia Business Forum na naglalayong mai-promote ang trade at investment opportunities ng dalawang bansa at magsisilbing venue para sa networking sa pagitan ng mga Russian at Filipino businessmen.

Ayon kay Chief of Presidential Protocol at Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje kasama sa delegas­yon ng Pangulong Duterte ang malaking bilang ng mga negosyanteng Filipino.

Maging ang Bayanihan Dance Company at Philippine Madrigal Singers ay kasama sa biyahe kung saan ang mga ito ay magkakaroon ng performance sa harap ng mga Russian audience.

Magbibigay rin ng maikling lecture ang Pa­ngulo  sa  Moscow State Institute of International Relations at makikipagkita sa Filipino community roon. Kabilang sa mga Cabinet official  na kasama sa Russia trip sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez III, Trade Secretary Ramon Lopez, at Defense Secretary Delfin Lorenzana. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.