Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – TNT vs Magnolia
6 p.m. – San Miguel vs Meralco
TANGAN ang 3-1 lead sa PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series, target ng defending champion Talk ‘N Text na kunin ang unang final seat sa muling pagharap sa Magnolia sa Game 5 ngayon sa Araneta Coliseum.
Hawak ang momentum sa tatlong panalo, sasagupain ng Tropang Giga ang mababa ang morale na Hotshots sa alas-3 ng hapon.
Babasagin naman ng San Miguel Beer at Meralco ang 2-2 pagtatabla sa main game sa alas-6 ng gabi.
“As much as possible we’ll end the playoff today and rest before playing in the finals,” sabi ni TNT coach Chot Reyes, puntirya ang ika-9 na PBA title.
Tinambakan ng TNT ang Magnolia, 102-84, sa Game 4 at lumapit sa finals noong Miyerkoles.
Bagama’t dadaan sa butas ng karayom, hindi basta susuko ang tropa ni coach Chito Victolero.
Naniniwala si Victolero sa kakayahan ng kanyang mga player at kayang nilang bumawi gaano man kahirap ang kanilang pagdaraanan.
“The series is not over until it’s over,” sabi ni Victolero.
”It’s a herculean job for me and my players. We’ll do it no matter how tough and difficult it is,” wika ng veteran mentor mula sa Sta Maria, Bulacan.
Kailangang mag-step up ang kanyang mga gunner na sina Marc Andy Barroca, Paul Lee, Jio Jalalon, Ian Sangalang at Calvin Abueva para mapigilan ang TNT na umabante sa finals.
Inaasahan namang magiging kapana-panabik ang laro ng SMB at Meralco na mag-aagawan sa 3-2 bentahe.
Kinuryente ng Bolts ang Beermen,111-97, sa Game 4 upang itabla ang serye sa 2-al.
CLYDE MARIANO