NAKATUTUWA ang trending ngayon sa mga artista, lalo na sa senior stars na nagbabalik sa limelight. Sa halip na itambal sila sa dating mga ka-loveteam nilang may mga edad na rin, sa mga batang artista sila itinatambal. Lalo sa mga aktor at aktres, na sa paglipas ng panahon, hindi pa rin kumukupas ang kanilang itsura at talento sa pagganap.
Tulad ng Diamond star na si Maricel Soriano, ang tagal niyang hindi gumawa ng project, pero sa paglipas ng panahon, hinahanap pa rin niya ang kislap ng kamera. Malaki na rin ang ipinagbago ni Marya, medyo tumaba pero ang ganda ng kanyang mukha ay na-preserve pa rin. May face value pa rin, ‘ika nga. Saka ang husay sa pagganap ay na-maintain niya.
Sa hanay naman ng kalalakihan, nariyan pa rin ang boyish-looking actor na si Gabby Concepcion. Ang edad lang ni Gabby ang nadagdagan pero artistahin pa rin ang looks. Higit sa lahat, magaling pa ring umarte. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya mabitawan ng GMA 7, dahil alam nilang kapag si Gabo ang talent nila, nakakasiguro silang maibebenta nito ang anumang project na hahawakan nito.
Ang maganda kay Gabby, kahit nasa 50s na ang edad niya, nagbibida pa rin. At kapag nabigyan siya ng project, hindi siya binibigyan ng role na may anak na teenager. Sa halip na itambal siya sa may edad na, ipinapareha siya sa mga batang aktres na magagaling rin. Tulad na lamang sa teleseryeng Love You Two na napapanood after Sahaya sa GMA, sa unang episode nito, katambal niya ang eighteener na si Shaira Diaz, at sa bandang huli, kay Jennilyn Mercado naman siya ipapareha.
Mas patok si Gabby na itambal sa mga bagets na. Tamang hindi na bagets si Jodi Sta Maria, pero kalahati ng edad ni Gabby ang tanda niya kay Jodi. Kaya naman hindi nagdalawang isip ang Cineko Films na kunin si Gabo para itambal kay Jodi sa pelikulang Man And Wife, dahil alam ng mga produc-er nila na papatok ang pelikulang nabanggit kapag si Gabby ang talent nila.
Alam nila na sina Gabby at Jodi ay mga box-office star, na kahit sugalan nila, siguradong big hit pa rin ang pelikulang gagawin nila. Hindi lang ba-lik-puhunan ang perang isinugal sa kanila ng Cineko Films kundi maliwanag na bawing-bawi sila sa perang iprinodyus sa kanila.
The reason kung bakit andyan pa rin si Gabby, ito’y dahil magaling siyang umarte. Parang si Maricel, kaya hindi mabitiwan ni Mother Lily dahil magaling itong artista. Nagbalik siya sa Regal dahil muli siyang kinuha ni Madera para sa pelikulang The Heiress kung saan makakasama niya sina Carmina Villaroel, Janella Salvador at McCoy de Leon, sa direksiyon ni Frasco Mortiz.
Suwerte nga sina Gabby at Maricel, na kahit mga senior star na nagbibida pa rin sa movie at television. Sila ang mga artistang habang tumatagal hindi kumukupas. Sila ang mga talentong habulin ng mga producer.
SHARON AYAW NA SA MGA PELIKULANG KANTAHAN
AYAW nang balikan ng megastar na si Sharon Cuneta ang mga nakaraan lalo’t pagdating sa mga role na kanyang ginagampanan noon, tulad ng sayawan, kantahan, pa-cute, habulan sa pampang ng dagat sa kanyang leading man, pagdadrama o confrontation scene sa mga katunggaling artista, at kung ano-ano pa.
Ayon kay Mega, graduate na raw siya sa mga ganyang eksena, mas gusto na raw niyang gawin ang mga naiibang pelikula na hindi niya nagawa noon.
Ngayon ay gusto naman daw niyang sumigaw, tumili, matakot, ma-excite sa mga eksena niya, tulad ng ginawa niya sa pelikulang Kuwaresma ng Reality Entertainment na katambal si Heneral Luna, walang iba kundi si John Arcilla. Nang ialok daw sa kanya ito ng producer nila, agad niya itong tinanggap dahil matagal na raw niyang gustong gumawa ng isang horror movie. Nagsawa na raw siya sa mga eksenang pa-emote-emote at pagpapa-cute dahil ginagawa lang daw ito ng mga magkaka-loveteam.
Hindi raw siya nagsisi sa pakikipagtambal kay John Arcilla dahil napakagaling raw nito. Biglang-bigla naging idol daw niya ito dahil super-galing nito. Sa ngayon daw hindi na siya namimili kung mestiso, at guwapo ang makakatambal niya, ang importante raw sa kanya, iyong actor na magaling umarte na dadalhin siya! Kaya nang ipareha raw sa kanya si John, bumilib siya sa husay nito
Ang Kuwaresma ay idinirek ni Erick Mati. (DENNIS AGUILAR)