Laro ngayon:
Mall of Asia Arena
7 p.m. – San Miguel vs Ginebra
(Game 6)
DETERMINADO ang Barangay Ginebra na tapusin na ang serye at maagaw ang korona sa sister team San Miguel Beer sa Game 6 ng PBA Commissioner’s Cup finals ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nakatakda ang bakbakan sa alas-7 ng gabi.
Pinataob ng Gin Kings ang Beermen sa Game 5, 87-83, matapos ang tambak na panalo sa Game 4, 130-100.
Wala namang sinisisi si San Miguel Beer coach Leo Austria sa pagkatalo ng kanyang tropa sa Game 5.
“I am not blaming anybody,” sambit ni Austria.
Sa pagkatalo ng SMB ay biglang nagbago ang betting, kung saan biglang naging liyamado ang Barangay Ginebra.
“We’ve got the momentum. We will take the advantage to full use to finally realize the ultimate goal. We will play with the same level of performance and resiliency like we did in Game 1, 4 and 5,” wika ni Ginebra coach Tim Cone.
Si Cone ang pinakamatagumpay na coach sa PBA kung saan nanalo siya ng 18 titulo magmula noong 1991, kasama ang dalawang grandslams noong 1999 at 2014.
Muling pangungunahan ni best import Justine Brownlee ang opensiba ng Kings, katuwang sina Scottie Thompson, LA Tenorio, Sol Mercado, Joe Devance, Kevin Ferrer at babantayan nina Japeth Aguilar at Greg Slaughter ang shaded lane kontra sa tambalan nina June Mar Fajardo at rookie Filipino-German Christian Standhardinger, katuwang si dating Global Port enforcer Kelly Nabong.
“I won the best import. My job now is to power my team to the title to complete a double celebration,” sabi ni Brownlee.
Muling sasandal si Austria sa kanyang top gunners na sina Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Chris Ross. CLYDE MARIANO
Comments are closed.