GILAS ‘DI UMUBRA SA JORDAN

gilas

HANGZHOU – Yumuko ang Gilas Pilipinas sa Rondae HollisJefferson-led Jordan, 87-62, upang mabigong makopo ang outright quarterfinal berth sa men’s basketball competition kahapon sa 19th Asian Games sa HOC Gymnasium.

Sa halip, ang Jordan ang nanguna sa Group C makaraang magwagi sa lahat ng kanilang tatlong laro at sinelyuhan ang kanilang puwesto sa knockout round.

Sa pagkatalo ng Gilas ay makakaharap nila ang third-ranked team sa Group D — Qatar — para sa isang puwesto sa quarterfinals. Ang mananalo ay makakasagupa ng Iran, ang top team sa Group A, sa ‘Final 8’.

Kumana si HollisJefferon ng 7-of-17 mula sa field para sa 24 points at nagdagdag ng 9 assists at 6 rebounds.

Nakakuha siya ng suporta kina Fadi Mustafa na may 17 points at Sami Bzai na may 12, habang umiskor sina John Bohannon at Ahmad Al Dwairi ng tig- 10.

Para sa Gilas, nalimitahan si Justin Brownlee sa 8-of-22 lamang mula sa field para sa 24 points, habang si Scottie Thompson ang isa pang Pinoy sa double-digits, na may 11 points.

Bumuslo ang Gilas ng 33% lamang mula sa field, kabilang ang 4-of-24 mula sa long distance.

Iskor:
Jordan (87) -HollisJefferson 24, Ibrahim 17, Bzai 12, Al-Dwairi 10, Bohannon 10, Hussein 7, Alhamarsheh 5, Alhenda 2, Abbas 0, Qarmash 0, Alhammouri 0.

Philippines (62) – Brownlee 24, Thompson 11, Aguilar 8, Fajardo 8, Perez 5, Kouame 4, Lassiter 2, Oftana 0, Ross 0, Newsome 0, Tolentino 0.

QS: 16-13, 42-29, 59-52, 87-62.