GILAS WOMEN LUMAKAS ANG TSANSA SA SILVER

PINALAKAS ng Philippine national women’s basketball team ang kanilang tsansa para sa silver medal finish sa 32nd Southeast Asian Games makaraan ang 82-70 panalo kontra Thailand nitong Linggo.

Halos wire-to-wire ang panalo ng Gilas Pilipinas women makaraang kunin ang 46-38 kalamangan sa pagtatapos first half.

Tinapyas ng Thailand ang deficit ng dalawa sa 6:15 mark ng third period bago hinawakan ng mga Pinay ang kalamangan hanggang sa final buzzer.

Umiskor si Afril Bernardino ng 18 points, habang nag-ambag si Khate Castillo ng 11 points. Tumipa sina Janine Pontejos at Jack Animam ng tig-10 points.

Sa panalo ay nasayang ang 22 points ni Rattiyakorn Udomsuk at ang 11-point performance ni Thunchanok Lumdabpang para sa Thailand.

Makakasagupa ng national team ang Malaysia sa virtual battle para sa silver kung saan ang huli ay mayroon ding 4-1 kartada.

Ang Indonesia ay nakasisiguro na sa gold medal makaraang walisin ang lahat ng kanilang laro. Ang medalists ay madedetermina base sa ranking.

Iskor:
Philippines 82 – Bernardino 18, Castillo 11, Pontejos 10, Animam 10, Berberabe 9, Clarin 6, Fajardo 6, Surada 6, Guytingco 2, Cabinbin 2, Tongco 0.

Thailand 70 – Udomsuk 22, Lumdabpang 11, Prajuapsook 10, Thuamon 8, Supyen 5, Wongtapha 5, Kitraksa 3, Rungrueang 3, Maihom 3, Klunbut 0.