HANOI – Sumandal sa depensa at malaking third quarter surge, sinimulan ng Philippine women’s basketball team ang kanilang kampanya para sa ikalawang Southeast Asian Games gold medal sa pamamagitan ng 93-77 panalo kontra Indonesia kahapon sa Thanh Tri Gymnasium dito.
Matapos ang dikit na first half, bumanat ang Gilas Women ng 32-19 run sa third at lumayo papasok sa fourth na may 72-57 kalamangan tungo sa impresibong panalo.
Gamit ang kanilang bilis, ang Gilas Women ay nakakolekta ng 18 steals, na ikinatuwa ni coach Patrick Aquino.
“They played so hard. What can I ask for,” ani Aquino. “That’s what we’ve been working on for the last couple of months. Hopefully, we can sustain that.
“I’m just happy that they were doing their best. Talagang sobrang saya ko sa kanila,” dagdag ni Aquino.
Nanguna si Afril Bernardino para sa koponan na may 16 points bukod pa sa 9 rebounds at 4 steals.
Nagdagdag si Janine Pontejos ng 15 points sa 7-of-18 shooting mula sa field at umiskor si Camille Clarin ng 11.
Tumipa si Gabi Bade, isa sa dalawang bagong recruits ng koponan mula sa United States, ng 11 points sa kanyang SEA Games debut. Anak ni dating PBA player Cris Bade, siya ay mainstay ng Sacramento State.
Ang isa pang bagong player sa koponan, si Stefanie Berberade, dating Player of the Year sa National Association of Intercollegiate Athletics school Westmont, ay nagtala ng 4 points.
Iskor:
Philippines (93) – Bernardino 16, Pontejos 15, Clarin 11, Bade 11, Cabinbin 8, Guytingco 6, Surada 6, Castillo 5, Castro 5, Berberabe 4, Tongco 4, Fajardo 2.
Indonesia (77) – Claresta 19, Antonio 12, Pierre-Louis 11, Pratita 9, Callista 8, Elya Gradita 7, Sutijono 6, Lestari 3, Sophia 2, Anggraeni 0, Nanda Perdana 0.
QS: 17-17, 40-38, 72-57, 93-77.