DAVAO DEL SUR – NAGLAHO ang magandang pangarap ng 16-anyos na Grade 12 student makaraang mangisay matapos itong makoryente sa poste ng traffic light bahagi ng Barangay Don Mercedes sa Panacan Depo, Davao City kahapon ng madaling araw.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Florence Allen Barrios Siarot ng Abocado Street sa nabanggit na barangay.
Base sa inisyal na police report, naganap ang insidente bandang ala-1 ng madaling araw kung saan bumubuhos ang malakas na ulan na umabot hanggang sa tuhod.
Nabatid na pauwi na ang biktima nang masagi nito ang poste ng traffic light na sinasabing dumaloy ang koryente sa katawan.
Gayunman, namataan ng ilang residente ang biktima na sinasabing nangingisay sa tubig-baha kung saan mabilis na naisugod sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay. MHAR BASCO
Comments are closed.