GULO KAPAG SINOLO ANG OIL DRILLING

DUTERTE

HINDI  mag-aalinlangan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpadala ng Philippine troop sa pinag-aagawang teritor­yo sa West Philippine Sea kung igigiit ng China ang solong pagmimina ng la­ngis sa lugar lalo ng uranium at natural gas.

Ang babala ni Duterte ay huwag subukan ng China na kumuha ng natural resources dahil kung magkataon ay agad niyang aatasan si DILG-OIC Eduardo Año na magpadala ng itak sa naturang teritor­yo at pagtatagain ang mga Tsinoy.

Sinabi ng Pangulo na hindi na niya ipipilit ang desisyon ng Arbitral Tribunal na pabor sa claim ng Filipinas dahil posibleng  magresulta ito ng giyera, subalit magkakagulo umano kapag sinolo ng mga Chinese ang mga yamang mineral sa naturang teritoryo.

Nauna nang inihayag  ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping na darating ang araw na igigiit niya ang karapatan ng Filipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea pero hindi pa sa ngayon at mabuting palaguin muna ang bilateral relations ng dalawang bansa.

“Sabi ko, “Mr. Xi Jinping, we also have a claim. You know we have the award. But I will not insist on recovering the award because it would result in a war, and it will be a massacre. I know. But please be it noted that one day during my term, I will assert.” Ang assert ko, ano? Ano, bakit? Iyong oil. E kung solohin mo, gugulo talaga ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

Comments are closed.