GUMAMIT NG ENERGY EFFICIENT NA GAMIT SA BAHAY

DAPAT lamang na malaman nating lahat ang kahalagahan ng ­energy-saving ­dahil sa malaki ang maitutulong nito sa ating ­pagkonsumo ng kuryente at ­mabuting epekto sa kalikasan kapag tama ang paggamit at ginagamit na appliances.

Para sa ating kaalaman, ang global warming ay totoo at ito ang pinangangambahan ng lahat ng mga bansa dahil nakikita at nararamdaman na natin ang epekto nito sa kalikasan – patuloy na pagtaas ng sea le­vels, sobrang init ng panahon, maraming kalamidad at disaster na nagaganap saan mang dako ng mundo.
Dahil dito, isa sa kailangan natin ay ang energy efficiency.

https://ied.eu/blog/energy-efficient-components/

Sa tulong ng teknolohiya, malaki ang maitutulong nito para maiwasan o makabawas ng mga energy waste habang patuloy na ginagamit ang mga ilaw, pagmamaneho, o paglalaba na hindi gaanong ginagamitan ng enerhiya.

Malaking sakit sa bulsa ang mataas na singil ng kuryente kaya naman nararapat lang mapababa natin ang power consumption. Hayahay ang buhay, ‘ika nga, kapag less energy ang nakukonsumo natin sa bahay.

https://kiwienergy.us/what-are-energy-efficient-appliances-are-they-worth-it/

Panahon nang pumili ng mga appliances na energy-efficient – makatutulong pa tayo sa ekonomiya at sa ating pangsa­riling kapakanan dahil makaiipon tayo kapag kakaunti lang ang kuryenteng babayaran.

Nakatutuwa namang isipin na marami sa ating malalaking korporasyon ang isinusulong ang energy efficiency sa kani­lang mga opisina o building, sasakyan, mga kagamitan o appliances. isa itong hakbang para mabawasan climate pollution, at emisyon dulot ng carbon dioxide, sa pangkalahatan.

https://michaelsenergy.com/energy-efficiency-program-design-and-product-development/

Nakatutulong din sa ka­lusugan ang tamang paggamit ng enerhiya. Halimbawa, kung natural energy ang gina­gamit, malaki ang tulong nito sa ating buhay at kalusugan kumpara sa pagsusunog ng uling, langis at natural gas dahil nakaaapekto ito sa hangin at sa kalikasan na delikadong malangghap lalo na ng mga taong mayroong hika, lung cancer at sakit sa puso.

Kung hindi rin maayos ang bentilasyon sa bahay, nakapagdudulot din ito ng mga sakit sa ating respiratory systemkaya nararapat lang na gamitin ang energy efficiency nang sa gayon ay mapaganda ang buhay at kalusugan.

https://pilillarizal.gov.ph/tag/pililla-windmill/

Panahon na para sundin ang energy efficient na pama­maraan ng pagkonsumo ng kuryente. Sa pagpili ng appliances, halos lahat mayroong nang label kung less energy consumption ang isang gamit kagaya ng inverter na appliances.

Unahin natin natin ang ligtas na gamit at pamamaraan dahil malaki ang maitutulong nito sa ating kalusugan, kabuhayan, kalikasan at sa ekonomiya ng bansa.

-CRIS GALIT