HINAMON na lang ng barilan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Police Sr. Supt. Eduardo Acierto na nag-aakusang sangkot sa ilegal na droga si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.
Sinabi ng Pangulo na hindi dapat na paniwalaan si Acierto na umano’y kabilang sa mga itinuturing na ninja cops o pulis na nagre-recycle ng mga nakukumspikang ilegal na droga.
Dagdag ng pangulo, kasabwat ni Acierto ang isa pang pulis na si Ismael Fajardo.
Si Acierto rin ang sinasabing responsable sa pag-frame up kay Marine Officer Ferdinand Marcelino na naging PDEA agent, na nahuli sa isang shabu laboratory sa Maynila, subalit inabswelto ng korte at ngayon ay balik na sa serbisyo sa AFP.
Nauna nang inihayag ng Pangulo na si Acierto ay sangkot din sa pagdukot at pagpatay sa Korean na si Jee Ick Joo sa Camp Crame.
Modus umano ng grupo ni Acierto ang pagkidnap sa mga dayuhang negosyante para kumita ng pera. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.