MISMONG si Health Secretary Francisco Duque III ang nagsabing walang dapat ikabahala ang taumbayan kaugnay sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng pag-amin ni Pangulong Duterte sa pagpapasailalim sa endoscopy at colonoscopy nitong Miyerkoles para matingnan ang nakitang bagay o bukol sa lalamunan nito, gayundin ang pagsasabing mayroon siyang “Barret’s Esophagus” na nakuha sa madalas na pag-inom at paninigarilyo noong kabataan niya.
Ani Duque, ang “Barret’s Esophagus” ay nakuha ni Duterte dahil sa kanyang madalas na paninigarilyo at pag-inom noong bata pa ito.
Nilinaw rin nito, mababa lang din ang tsansang mauuwi ito sa kanser at hindi karaniwang nagde-develop ito sa tinatawag na esophageal adenocarcinomas (EAC).
Base sa kanyang obserbasyon, sinabi ni Duque na malakas at masigla ang Pangulo at normal lamang na humingi ng pahinga paminsan-minsan dahil sa kanyang edad.
Aminado rin ang kalihim na mahirap ang trabaho ng isang Pangulo dahil sa dami ng problema at stress na kanyang dapat daanan sa araw-araw.
Comments are closed.