HEAT VS NUGGETS SA NBA FINALS

NAGBUHOS si Jimmy Butler ng 28 points, nagdag- dag si Caleb Mar- tin ng 26 at ang Miami Heat ay naging ikalawang No. 8 seed na uma- bot sa NBA Finals kasunod ng 103-84 panalo kontra host Boston Celtics sa Game 7 ng Eastern Conference finals noong Lunes ng gabi.

Si Butler ang napiling MVP ng series makaraang magtala ng average na 24.7 points, 7.6 rebounds at 6.1 assists.

Kumubra si Bam Adebayo ng 12 points, 10 rebounds at 7 assists para sa Miami na bumawi mula sa tatlong sunod na kabiguan.

Ang mga koponan na may tangan na 3-0 series lead ay umangat sa 151- 0 all-time sa NBA playoffs.

Kumabig si Jaylen Brown ng 19 points at 8 rebounds at umiskor si Derrick White ng 18 points para sa second-seeded Boston, na ika-4 na ko- ponan pa lamang sa kasaysayan ng NBA na naipuwersa ang Game 7 makaraang matalo sa unang tat- long laro.

Tumirada si Jayson Tatum ng 14 points at 11 re- bounds para sa Celt- ics, ngunit nasaktan ang kanyang left ankle sa unang pos- session ng laro at iika-ika sa buong laro.

Makakasagupa ng Heat ang Western Conference champion Denver Nuggets sa NBA Finals.

Ang Game 1 ay nakataksa sa Huwebes sa Denver.

Ang New York Knicks (1999 postseason) ang isa pang No. 8 seed na umabot sa NBA Finals.

Ang tatlong iba pang koponan na naipuwersa ang Game 7 makaraang maharap sa 3-0 defi- cit ay ang New York Knicks (natalo sa Rochester Royals sa 1951 NBA Finals), Denver Nuggets (yumuko sa Utah Jazz sa 1994 second round) at Portland Trail Blazers (nabigo sa Dallas Mavericks sa 2003 first round).

Bumuslo ang Miami ng 48.8 percent mula sa field, kabilang ang 14 of 28 mula sa 3-point range. Nagdagdag sina Duncan Robin- son at Gabe Vincent ng tig-10 points.

Kumana si Martin ng apat na tres at nakakolekta ng 10 rebounds at nagtala rin si Butler ng 7 re- bounds, 6 assists at 3 steals.

Naipasok ng Celtics ang 39 per- cent ng kanilang mga tira at 9 of 42 mula sa arc. Nagtala ang Boston ng 16 of 77 mula sa 3-point range sa huling dalawang laro ng series.