HOLIDAY BAYANI NG BUCKS

bucks vs Grizzlies

ISANG step-back, baseline jumper ni Jrue Holiday, may dalawang segundo ang nalalabi, ang naghatid sa Milwaukee Bucks sa112-111 panalo kontra Memphis Grizzlies kahapon sa FedExForum sa Memphis.

Ang tira ni Holiday sa harap ng depensa ni Dillon Brooks ang tumapos sa wild final 39.1 seconds kung saan limang beses na nagpalitan ng kalamangan ang dalawang koponan.

Ang naturang mainit na stretch ay kinabilangan ng goaltending call laban kay Giannis Antetokounmpo at naitala ni Ja Morant ang huli sa kanyang game-high 35 points sa isang layup, ilang segundo lamang bago ang game-winner ni Holiday.

HEAT 103,

PELICANS 93

Bumalik si Jimmy Butler mula sa two-game absence at umiskor  ng 29 points nang gapiin ng bisitang  Miami Heat ang Zion Williamson-less New Orleans Pelicans, 103-93.

Umiskor si Butler, na-sideline dahil sa knee inflammation, ng 10 points sa huling anim na minuto.

Nagdagdag si Kelly Olynyk ng 18  points at 10 rebounds, at gumawa sina Kendrick Nunn at Goran Dragic ng tig-13 at Andre Iguodala ng 10 para sa Miami, na nakumpleto ang season sweep kontra New Orleans.

SUNS 120,

WARRIORS 98

Tinapos ng host Phoenix Suns ang first half ng NBA sa ikalawang puwesto sa Western Conference makaraang dispatsahin ang Stephen Curry-less Golden State Warriors, 120-98.

Isang taon makaraang tumabla sa ika-9 na puwesto sa West, ginamit ng Suns ang kanilang ika-16 na panalo sa huling 19 games upang kunin ang 24-11 record papasok sa break. Angat sila ng isang laro sa Los Angeles Lakers (24-13) at 1 1/2 sa Los Angeles Clippers (24-14).

Ang  Suns ay nasa likod ng Utah Jazz (27-9).

Pinangunahan ni reserve Cameron Payne ang pitong Suns sa double figures na may17 points at game-high 10 as-sists.Tumipa sina fellow backups Abdel Nader at  Dario Saric ng 14 at13 points, ayon sa pagkakasunod

Tumapos si Devin Booker na may 16 points, at nagdagdag sina Jae Crowder ng 14, Deandre Ayton ng 11 at Chris Paul ng 10 para sa Suns, na na-outshoot ang Warriors, 51 percent sa 43.2 percent.

Sa iba pang laro ay namayani ang New York Knicks kontra Detroit Pistons, 114-104; ginapi ng  Oklahoma City Thunder ang San Antonio Spurs, 107-102, at pinayuko  ng Portland Trail Blazers ang Sacramento Kings, 123-119.

One thought on “HOLIDAY BAYANI NG BUCKS”

Comments are closed.