HOLT MATUNOG SA PBA DRAFT

Pba

PANGUNGUNAHAN ni dating Saint Mary’s stalwart at NBA Summer League veteran Stephen Holt ang record 128 aspirants na sasalang sa PBA Season 48 Rookie Draft sa Linggo sa Market! Market! sa Taguig.

Si Holt ang lumalabas na top prospect para sa top selection sa draft proceedings na pangangasiwaan ni PBA commissioner Willie Marcial.

Ang alalahanin ay ang kanyang pagliban sa PBA Draft Combine sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong noong Martes at Miyerkoles.

Malakas ba ang kanyang pangangatawan para maglaro? Nasa porma ba siya para sa PBA competition?

Iyan ang mga katanungan na dapat isipin ng mga coach at ng pamunuan ng Terrafirma Dyip team na nagmamay-ari sa karapatan para sa top pick overall.

Sa kanyang pagbisita sa Sports Desk sa CNN Philippines, sinabi ni Holt na handa siyang maglaro sa PBA.

“I’ve had a long, long career, nine years in Europe and Australia.

It’s been a blessing for me to get to travel the world and play in that type of environment. When I come in, for whoever drafts me, first pick, third pick, whatever, wherever I go,

I’ll definitely try to make an impact on and off the floor and affect the game in a positive way and showcase what I can do,” ani Holt.

“It doesn’t matter where I get drafted. I’m just super excited to finally get this opportunity. It’s been one of my goals throughout the entire journey to at least get one season in the PBA. I’ll be grateful to whoever picks me on Sunday.

It’s another chapter in my basketball journey and I’m glad I’m going to write that chapter in the Philippines.”

Sina Zavier Lucero at Luis Villegas ay nagpapagaling pa mula sa ACL surgery subalit hindi babalewalain. Pagkatapos ay nariyan sina Christian David (Butler University) at Deschon Winston (Central Michigan University), Archie Concepcion, Ken Tuffin, Ricci Rivero, Sherwin Concepcion, Kemark Carino, Henry Galinato, John Lloyd Clemente, Brent Paraiso, Keith Datu, Brandon Bates, Shean Jackson, Zach Huang, BJ Andrade, James Kwekuteye and PBA OnTour players Cliff Jopia, Tommy Olivario, King Caralipio, Fran Yu, Jolo Mendoza, Ralph Cu, Kim Aurin, Dominick Fajardo, Francis Giussani, Damie Cuntapay, John Bauzon, Jan Sobrevega at Daniel Atienza.

Ang Terrafirma (Nos. 1, 12), Rain or Shine (Nos. 3, 4), Converge (Nos. 9, 10) at NorthPort (Nos. 5, 11) ay dalawang beses pipili sa first round. Ipinagpalit ng San Miguel Beer, Ginebra, Magnolia at TNT ang kanilang first-round draft rights sa mga naunang deals. Ang Blackwater (No. 2), Phoenix (No. 6), NLEX (No. 7), at Meralco (No. 8) ang iba pang mga koponan sa draft order sa first round.

Sinabi ng mga coach na iiral ang ‘quality draft’ hanggang sa third round.

-CLYDE MARIANO