IKA-3 SUNOD NA PANALO NILAGOK NG BEERMEN

San Miguel Beer vs blackwater

Mga laro sa Biyernes:

Ynares Sports Arena -Pasig

12:30 p.m. – Terrafirma vs Magnolia

3 p.m. – TNT vs Rain or Shine

6 p.m. – Ginebra vs NorthPort

NAKOPO ng San Miguel Beer ang ikatlong sunod na panalo makaraang tambakan ang Blackwater, 99-80, sa PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Pitong Beermen ang umiskor ng double figures, sa pangunguna ni June Mar Fajardo na kumamada ng 16 points sa  6-of-8 shooting, kasama ang 11 rebounds.

Umangat ang Beermen sa 3-1 kartada habang nabaon ang Bossing sa 0-4.

“I’m happy for him because he really wanted to get back to his old form,” sabi ni San Miguel coach Leo Austria patungkol kay six-time PBA MVP Fajardo.

Makaraang lumamang ng isang puntos, 39-38, sa halftime, nag-init ang Beermen sa third period at na-outscore ang Bossing, 30-15, para sa 69-53 bentahe papasok sa fourth quarter at hindi na lumingon pa.

Sa final canto ay napalobo ng Beermen ang kalamangan sa 25 points, 82-57, mula sa layup ni CJ Perez, may 7 minuto ang nalalabi sa laro.

Tumirada si Perez ng 14 points at kumalawit ng 5 rebounds para sa Beermen, habang nagdagdag sina Marcio Lassiter at Alex Cabagnot ng 13 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna para sa Bossing si Simon Enciso na may game-high 25 points, habang nag-ambag sina Kelly Nabong at Mike Tolomia ng tig-12 points.

Sa ikalawang laro ay tinambakan ng Alaska ang Rain or Shine, 74-48.

Nalasap ng Elasto Painters  ang unang pagkatalo sa apat na laro habang umangat ang Aces sa 2-2. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro

San Miguel (99) – Fajardo 16, Perez 14, Lassiter 13, Cabagnot 12, Zamar 11, Pessumal 10, Santos 10, Ross 5, Tautuaa, Gotladera 2, Gama-linda 2, Comboy 2, Sena 0.

Blackwater (80) – Enciso 25, Nabong 12, Tolomia 12, Daquioag 9, Escoto 5, Desiderio 5, Canaleta 4, Amer 4, Magat 2, Acuno 2, Paras 0, Semerad 0, Dennison 0, Torralba 0.

QS: 20-11, 39-38, 69-53, 99-80.

Ikalawang laro

Alaska (74) — Brondial 13, Tratter 12, Ahanmisi 10, DiGregorio 9, Teng 6, Casio 5, Banal 5, Taha 4, Marcelino 3, Adamos 3, Ebona 2, Stockton 2, Herndon 0, Publico 0.

Rain or Shine (48) — Wong 9, Torres 7, Caracut 6, Ponferada 6, Nambatac 5, Belga 5, , Norwood 4, Borboran 3, Guinto 2, Santillan 1, Rivero 0, Mocon 0.

QS: 19-12; 41-23; 61-39; 74-48.

8 thoughts on “IKA-3 SUNOD NA PANALO NILAGOK NG BEERMEN”

  1. 657081 214391An intriguing discussion will probably be worth comment. I believe which you just write much far more about this subject, it might become a taboo topic but generally consumers are inadequate to communicate in on such topics. To another. Cheers 693942

Comments are closed.