(Iminungkahi sa IATF) HOME QUARANTINE SA BAKUNADONG BALIKBAYANS

Senador Richard Gordon-3

HINILING ni Senador Richard Gordon sa Inter-Agency Task Force (IATF) na sa bahay na lamang mag-quarantine ang mga umuwing Pinoy na ‘fully vaccinated’.

Paliwanag ni Gordon, bukod sa magastos ang 14-day hotel quarantine, mauubos din ang kanilang bakasyon sa halip na makapiling na ang kanilang mga mahal sa buhay.

Inihalimbawa ng senador ang naging karanasan ng isa niyang dating staff na umuwi mula sa Spain at nanuluyan sa isang hotel bago isinailalim sa swab test makalipas ang isang linggo.

Pagkatapos ng dalawang araw ay nakalabas na ito sa hotel sa pang-10 araw matapos niyang makabalik sa bansa.

Iginiit ni Gordon na dapat hayaan na ng IATF ang local government units (LGUs) na magpatupad ng kanilang sariling polisiya para sa mga nababalik-bansa na mga Filipino.

Subalit dapat aniyang sagutin ng mga lokal na opisyal ang responsibilidad sa pagsunod sa health protocols.

“We want our fellowmen who are coming home to the Philippines to be with their families as soon as they arrive, and we want to lessen the financial and emotional expense that they are dealing with during these difficult times,” sabi pa ng senador. LIZA SORIANO

69 thoughts on “(Iminungkahi sa IATF) HOME QUARANTINE SA BAKUNADONG BALIKBAYANS”

  1. 919267 323241You created some initial rate factors there. I regarded on the internet for the issue and located many people will associate with together with your site. 269114

Comments are closed.