INATASAN ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagkalooban ng libreng sakay ang health workers at iba pang Authorized Persons Outside of Residence (APORs).
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang hakbang ay makatutulong sa paglaban ng gobyerno sa COVID-19, bukod sa mabibigyan ng serbisyo ang mga APOR para makarating sa kanilang mga pinagtatrabahuhan at makauwi ng bahay.
Sa kanyang direktiba, nais ni Tugade na palawakin ng LTFRB ang Free Ride Service Program hindi lamang sa Metro Manila at mga kalapit na lugar kundi sa buong bansa na.
Aniya, ang programa ay isang paraan para matulungan ng pamahalaan ang mga health worker at iba pang essential workers na hindi alintana ang panganib na mahawaan ng COVID-19 sa pagpasok sa kanilang mga trabaho.
“Para ito sa mga tao. This is like a socialized transport system. Gobyerno ho ang nagbabayad, sakay lang nang sakay ang tao. Ito ay tulong sa mamamayan. Sa atin hong magigiting na essential workers, libre ho ito dahil napapailalim po ito sa tinatawag na Service Contracting Program,” ani Tugade.
Bukod sa APORs, matutulungan din ng programa ang mga PUV driver.
“Ginagawa rin ho natin ito upang madagdagan ang kitang maiuuwi ng ating mga kababayang tsuper sa kani-kanilang tahanan. Malaking bagay ito upang makatulong sa pang-araw araw nilang gastusin gaya ng pagkain, tubig, kuryente, at iba pang mahalagang pangangailangan,” sabi pa ni Tugade.
573805 509483Thank you for this. Thats all I can say. You most undoubtedly have produced this into something thats eye opening and important. You clearly know so considerably about the topic, youve covered so several bases. Wonderful stuff from this part of the internet. 20664
723077 623738Right after study some with the websites along with your internet website now, i actually as if your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and is going to be checking back soon. Pls appear at my site likewise and figure out what you believe. 308067
386827 647786I like this blog its a master peace ! Glad I observed this on google . 709031