INATASAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng local government units (LGUs) na magsagawa ng masusing inspeksiyon sa lahat ng mga establisimiyento sa kanilang mga nasasakupan bunsod ng malalakas na lindol na tumama sa Mindanao sa loob ng nakaraang dalawang linggo.
Sa panayam sa Pangulo noong Huwebes ng gabi sa puntod ng kanyang mga magulang ay sinabi niyang umaasa siya na wala nang lindol na mangyayari lalo pa at nasa bansang Thailand siya sa susunod na mga araw.
“Well, it is time for the LGUs to inspect all – all buildings. Start it now. The earthquake season has come. I don’t know if it will occur again between now and tomorrow,” wika ng Pangulo.
“The problem is, I won’t be here, I’ll be in Bangkok. So I do not want disasters to happen when I am not around. Not – not just for anything…just to be here and do what you can do for your countrymen,” dagdag pa ng Pangulo.
Si Pangulong Duterte ay nasa kanyang tahanan sa Davao City nang yanigin ang siyudad ng magnitude 6.5 earthquake ang ilang bahagi ng Mindanao kung saan ang epicenter ay natukoy sa Tulunan, Cotabato
Ayon sa Pangulo, nang maganap ang lindol ay isang babaeng Presidential Security Group member ang gumising sa kanya.
Nabatid sa Pangulo na nagkaroon ng mga bitak bitak sa kanyang bahay dulot na rin ng mga nagdaang lindol.
“Well, there are cracks even during – as early as about three earthquakes ago. Everytime it happens, there’s new crack. But they are just cracks,” giit ng Pangulo. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.