MAGSISILBING captain sina Los Angeles Lakers superstar LeBron James at Milwaukee’s Giannis Antetokounmpo sa NBA All-Star Game teams sa susunod na buwan matapos ang final voting.
Makakatabla ni James si Kareem Abdul-Jabbar — ang hinahabol niya upang palitan bilang NBA’s all-time leading scorer — para sa pinakamaraming All-Star Game appearances na may 19.
Ang four-time NBA champion, may average na 29.9 points, 8.5 rebounds at 7.0 assists ngayong season, ay nagsilbi nang captain — bilang top vote-getter mula sa conference na ito — sa bawat isa sa anim na taon na ginamit ang format na ang mga captain ang pipili ng kanilang mga koponan mula sa lahat ng available players.
Si Antetokounmpo, ang two-time NBA Most Valuable Player mula sa Bucks, ay magiging captain sa ikatlong pagkakataon sa kanyang career, matapos na pamunuan ang isang team noong 2019 at 2020.
Kasama ni James bilang starters na pinili mula sa Western Conference sina New Orleans Pelicans forward Zion Williamson, Denver Nuggets center Nikola Jokic, Golden State Warriors guard Stephen Curry at Dallas Mavericks guard Luka Doncic.
Ang iba pang starters mula sa East ay sina Brooklyn Nets forward Kevin Durant at teammate Kyrie Irving, Boston Celtics forward Jayson Tatum at Cleveland Cavaliers guard Donovan Mitchell.
Ang fan voting ay bumubuo sa 50 percent ng voting, kung saan ang voting ng NBA players at isang media panel ay tig-25 percent.
Si Jokic, ang two-time reigning MVP, ay lalaro sa ika-5 sunod na All-Star Game.
May average siya ns 25.1 points, 11 rebounds at 9.9 assists para sa Denver, na pangungunahan angWestern Conference.
Si Williamson ay may average na 26 points, 7 rebounds at 4.6 assists para sa New Orleans, subalit na-sideline siya dahil sa hamstring injury magmula pa noong January 2.