NALUSUTAN ng Utah Jazz ang malamyang simula upang maitakas ang 114-106 panalo laban sa Golden State Warriors noong Biyernes ng gabi sa Salt Lake City.
Ang Jazz (15-11) ay nanalo ng dalawang sunod matapos ang mahirap na stretch kung saan natalo sila ng lima sa anim.
“We found a way to fight back,” wika ni Jazz guard Donovan Mitchell. “We had a rough start to the year, but that’s behind us. We’ve got to go out there and play like we have been, with emotion and energy. We’ve just got to come out there and fight and trust each other.”
Umiskor si Mitchell ng 28 points sa 10-for-19 shooting, habang naitala ni Rudy Gobert ang kanyang ika-9 na sunod na double-double na may 15 points, 15 rebounds at 2 blocks.
Bumawi naman si Bojan Bogdanović mula sa two-week-long shooting slump sa pagkamada ng 8-of-13 threes at nagbuhos ng game-high 32 points.
“I’m so happy for Bogey. He’s been going through it, obviously,” ani Mitchell. “He’s a hell of a player, and once he just goes out and just shoots it and doesn’t worry about anything else, he’s damn near automatic.”
Lahat ng limang Jazz starters ay gumawa ng double figures kung saan tumapos si Royce O’Neale na may 14 points at nagdag-dag si Joe Ingles ng 13 points at 8 assists.
LAKERS 113, HEAT 110
NAKALIKOM si LeBron James ng 28 points, 12 assists at 9 rebounds upang pangunahan ang bumibisitang Los Angeles Lak-ers sa kanilang ika-6 na sunod na panalo laban sa Miami Heat.
Tumipa si Anthony Davis ng game-high 33 points, 10 rebounds at 3 blocks para sa Lakers, na nakopo ang ika-13 sunod na road win.
Tumabo si Jimmy Butler, ang reigning Eastern Conference Player of the Week, ng team-high 23 points, subalit ang kanyang Heat ay natalo sa home sa unang pagkakataon ngayong season, at bumagsak sa 11-1 sa AmericanAirlines Arena.
Naglaro rin ang Heat na wala sina starting forward Justise Winslow (back) at backup point guard Goran Dragic (groin).
Sumalang naman ang Los Angeles na wala si forward Kyle Kuzma (left ankle) sa ikalawang sunod na laro, subalit nagbalik si backup point guard Rajon Rondo (hamstring) makaraang mawala ng dalawang sunod na laro.
ROCKETS 130, MAGIC 107
Muling nagpasiklab si James Harden at winalis ng Houston Rockets ang two-game swing laban sa Eastern Conference opponents nang igupo ang Orlando Magic.
Dalawang gabi makaraang kumana ng 55 points at 8 assists sa Cleveland, nagposte si Harden ng 54 points at 7 assists upang pangunahan ang Rockets kontra Magic, na nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan.
Naisalpak ni Harden ang franchise record 10 3-pointers at tumapos na 10-for-15 mula sa 3-point area kontra Orlando tungo sa kanyang ika-5 50-point game sa season.
Nag-ambag si Russell Westbrook ng 23 points, 7 rebounds at 6 assists habang umiskor si Ben McLemore ng 6 of 7 sa tres para sa 18 points mula sa bench. Nagposte sina P.J. Tucker (12 points, 11 rebounds) at Clint Capela (10 points, 11 rebounds) ng double-doubles para sa Houston, na nagsalpak ng 22 of 39 3s.
Comments are closed.