JENNYLYN AT DENNIS PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA SA CONCERT

PUSPUSAN ang paghahanda ng reel at real life lovers na sina Jennylyn Mercado at The pointDennis Trillo sa kauna-unahang Valentine concert.

Katunayan, overwhelmed sila dahil Enero pa lang halos sold out na ang tickets sa kanilang  CoLove Live concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa Pebrero 15.

Sey nila, treat daw nila ang nasabing concert sa mga magnobyo.

Aminado naman si Jennylyn na habang papalapit na ang kanilang concert, medyo kinakabahan daw siya.

“Kinakabahan kami kasi first time naming magso-show together, tapos ‘yung mga songs eh medyo dibdiban kaya ayun, puspusan ang paghahanda naming dalawa,” pagbabahagi niya.

Para naman kay Dennis, ayaw nilang ma-disappoint ang kanilang fans kaya naman lahat ng pa­raan ay ginagawa nila para mapaganda ito.

“Pinag-iisipan talaga naming mabuti, pati iyong repertoire ng songs na kakantahin namin. At saka dahil first time siya, gusto naming masulit iyong ibabayad nila,” ani Dennis.

Marami raw silang musical at production numbers na kaabang-abang.

“Iyong mga songs that we will sing ay may connection sa love story naming dalawa mula noong simula hanggang sa  kasalukuyan. Pati iyong tampuhan at iyong away na nagaganap sa amin in the past, dadaanin namin sa kanta. So, it’s parang… story of our love,” ani Jennylyn.

“May added attraction pa siya kasi gusto rin naming i-showcase iyong talents ng mga guests namin tulad nina Nar Cabico, Jerald Napoles at Kim Molina,” sey ni Dennis.

Thankful din ang magkasintahan dahil nagpaunlak sina Alden Richards, Alex Gonzaga at iba pang celebrities na mag-guest sa kanilang Valentine show.

Si Jennylyn ay bahagi ng Pinoy adaptation ng Korean telenovela na “Descendants of the Sun” kung saan leading man niya si Dingdong Dantes.

May nakatakda ring gawing teleserye si Dennis this year.

Comments are closed.