BUKIDNON – NASAWI ang isang Jesuit volunteer at sugatan naman ang kasama nitong abogado matapos silang saksakin sa loob ng kanilang cottage sa bayan ng Pangantucan.
Kinilala ang nasawi na si Genifer Buckly, 24-anyos, na nagtamo ng mga saksak sa dibdib at tiyan.
Sugatan naman si Atty. Anne Kathleen Gatdula, 30-anyos na taga-Quezon City na nagtamo naman ng saksak sa tiyan at balikat.
Ayon kay Senior Sgt. Michael Villasan ng Pangantucan PNP, nakilala ni Gatdula ang umatake sa kanila at itinuro si Arnold Naguilla na nanloob at nagtangkang nakawan sila.
Subalit nagising sila kaya sinaksak sila ng suspek.
Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek na residente lamang sa lugar.
Base sa imbestigasyon ng Pangantucan PNP, puwersahang pinasok ng suspek ang cottage ng mga biktima at naaktuhan itong nagnanakaw.
Sa takot ng suspek ay pinagsasaksak niya ang mga biktima. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.