MAY bagong import ang San Miguel Beermen sa pagbabalik nila sa aksiyon sa PBA Governors’ Cup sa susunod na taon.
Kinumpirma ni Orlando Johnson, dating NBA player na dati na ring naglaro para sa Barangay Ginebra, na siya ang hinihintay na import ng Beermen.
Pinalitan niya si Brandon Brown, pinangunahan ang San Miguel sa 3-2 kartada na may average na 23.4 points, 12.6 rebounds, 5.0 assists, at 3.0 steals per game.
Sa isang Instagram story, ibinahagi ni Johnson ang isang fan video na nagtuturo sa kanya bilang bagong import ng SMB.
Iniulat din ng sports website na Spin na tinatapos na lamang ni Johnson ang kanyang quarantine.
Si Brown ay nagpaalam na sa Beermen at sa kanilang fans sa kanyang sariling Instagram story noong Miyetkoles.
“Thank you, San Miguel, for my time here. Thank you, PBA, for allowing imports to come to this country and do what they love,” sabi ni Brown.
Si Johnson ay may average na 33.7 points at 11.3 rebounds per game para sa Gin Kings.
Sisimulan ng San Miguel ang kanilang 2022 schedule sa January 8 kontra Phoenix Super LPG Fuel Masters sa Araneta Coliseum. Makakaharap ni Johnson ang kanyang dating koponan na Barangay Ginebra, sa Enero 16 sa Mall of Asia Arena.