JOMA HINAMON NI DUTERTE NG ONE-ON-ONE

Salvador Pa­nelo

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na umuwi para magkaroon sila ng pagkakataong magkaharap para sa peace talks.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Pa­nelo na inatasan na ng Pangulo ang awotirdad na huwag arestuhin si Sison kapag dumating sa bansa.

Nais  umanong makita ng Pangulo ang sinseridad ni Sison sa isinusulong na usapang pangkapayapaan.

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 32 laban kay Sison at sa 36 na iba pang miyembro ng komunistang grupo dahil sa 1980 Inopacan massacre o ito ang pagpatay sa mga miyembro ng CPP na inaakusahang lumabag sa mga patakaran ng komunistang grupo sa Leyte.

“The President is daring him to come home to the PH and have a one-on-one talk with the President. He is asking him to come to the PH, there will be no enforcement of any warrant, just come to the PH and talk to him,” pahayag ni Panelo.

Iginiit nito  na ang one-on-one na pag-uusap nina Pangulong Duterte at Sison ay hiwalay pa sa ikinakasang peace negotiations ng gobyerno  at ng  komunistang grupo.

Samantala, kinondena ng Palasyo ang paglabag ng komunistang grupo sa umiiral na ceasefire.

Nagsimula ang tigil-putukan ng  Disyembre  23 at matatapos sa Enero 7 ng susunod na taon.

Comments are closed.