JOMA NANINIWALANG GUSTO NG PANGULO NG TULOY NA NEGO

DEDMA lang si National Democratic Front of the Philippines Chief Political Consultant Jose Maria Sison sa  banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin  niya ito.

Ayon kay Sison,  i­lang beses na niyang  na­rinig ang pagbabantang ito kay Duterte.

“PRRD has repeated so many times the threat to kill me that sometimes I surmise that the expression ¨kill¨ has actually become  a term of endearment, as in some American comedies,” ani Joma.

Sinabi ni Sison na hindi niya papatulan si Duterte maliban na lamang kung tuluyan nang hahadlangan ng Pangulo ang pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.

Naniniwala naman ang lider ng komunistang grupo na mas nais ni Duterte na magpatuloy ang negosasyon kaysa hadlangan ito sa gitna ng matatalas na salita ng Pangulo.

Ani Sison, mas makabubuting himukin na lamang nila ni Duterte ang negotiating panel ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDFP na maghanda sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa Davao City, sinabi niya na personal niyang ihahatid si Sison sa paliparan kapag walang malinaw na kasunduan sa pagitan ng gobyerno at NDFP sa usapang pangkapayapaan sa loob ng dalawang buwan.

Matapos ito ay pinagmumura na ni Duterte si Sison at pinagbantaang papatayin ang lider ng komunistang grupo.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.