IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon na humihiling na ilabas ang impormasyon ng tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrido Duterte.
Ayon sa 70 pahinang desisyon ng Korte Suprema, hindi napatunayan ng petitioner na si Atty. Dino de Leon na may obligasyon ang Pangulo na ilabas ang kanyang kalagayan sa kalusugan.
Ikinatwiran ng mga mahistrado na walang nakitang merito ang Urgent Petition for Mandamus ng petitioner.
Hindi rin natugunan ng petitioner ang mga batayan upang panigan ng korte ang hinihiling na mandamus.
Ang abogado ay unang naghain ng Urgent Petition for Mandamus noong Abril 13, 2020 na humihiling na atasan ang korteng ilabas ang medical records ng Pangulo sa pamamagitan ng Office of the President o ng Executive Secretary.
Comments are closed.