MALAYA si Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Amerika at Filipinas kahit walang basbas ng Kongreso.
Ito ang binigyang-diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa naging bantang Pangulo makaraang bawiin o kanselahin ang US visa ng ilang opisyal ng pamahalaang nasa likod ng pagkakakulong ni Senadora Leila De Lima.
Ayon kay Lorenzana, may karapatan ang administrasyon na kanselahin ang nasabingkasunduan lalo’t kung ang pambansang interes na ang nalalagay sa alanganin.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Lorenzana na patuloy ang kanilang ugnayan ni ForeignAffairs Secretary Teddy Boy Locsin na siyang tumatayo namang chairman ng VFA commission.
Gayunpaman,sinabi ni Lorenzana na kanila ring ilalahad sa Pangulo ang mga posibleng epektosa Filipinas partikular na sa aspetong militar sakaling tuluyan nang mabasuraang nasabing kasunduan.
“The termination of the VFA may be unilaterally initiated by the Philippines, and it is well within the right of the Philippine government to do so if it determines that the agreement no longer redounds to our national interest,” giit ni Lorenzana. DWIZ 882