KALUSUGAN NI DUTERTE IPANALANGIN-CBCP

NANANAWAGAN sa mga mamamayan ang pangulo ng maimpluwensiyang Ca­tholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ipanalangin ang kalusugan at kagalingan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Labis na ikinalulungkot ni CBCP president at Davao Archbishop Romulo Valles ang medical findings ng mga doktor na mayroong tumubo sa digestive tract ng pangulo.

“It’s a sad news, the medical findings; and we would like to really pray for our President that he would be recovering from this found illness,” ani Valles sa isang mensahe.

Ayon kay Valles, malaki ang maitutulong ng pana­langin para sa kagalingan ng pangulo.

Aniya, mahalagang gumaling ang pangulo dahil importante ang tungkulin nitong ginagampanan sa bayan.

“We would pray for him that he would be back to his health so that he can run the affairs of the country,” anito.

Nauna rito, ibinahagi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iminungkahi ng mga doktor kay Pangulong Duterte na sumailalim sa endoscopy upang mas higit na masuri ang tumubo sa digestive tract nito.

Ang Endoscopy ay isang pagsusuri sa upper digestive tract ng tao habang ang colonoscopy naman ay upang malaman ang kalagayan ng large intestine o colon.

Si Pangulong Duterte, 73, ang pinakamatandang nahalal na pangulo ng Filipinas sa kasaysayan. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.