MULING ipinagtibay ng liderato ng Mababang Kapulungan Kongreso ang ibayong pagsuporta nito sa inilatag na amnesty program ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa Muslim at communist rebel members na nagpasyang isuko ang kanilang armas at magbalik-loob sa pamahalaan.
Ito’y makaraang aprubahan ng joint-House Committee on Justice at Comnittee on National Defense and Security ang House Concurrent Resolution (HCR) Numbers 12, 13, 14 at 15, na pangunahing iniakda ni Speaker Lord Allan Velasco at nagbibigay basbas sa Presidential Proclamation Nos. 1090, 1091, 1092 at 1093.
“The amnesty program is a huge step toward achieving just and lasting peace in the country and giving former rebels a path back into civilian life,” ang pahayag ng lider ng Kamara.
“The granting of amnesty is proof of the Duterte administration’s sincerity and determination to attain sustainable peace in the country. The amnesty is necessary for the general interest of the Philippines and the Filipino people for a just and lasting peace,” dagdag pa ni Velasco.
Magugunita na noong nakaraang buwan ay ipinalabas ang mga nasabing proklamasyon para pagkalooban ng amnestiya ang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), at Communist Terrorist Group (CTG) na nagkasala sa batas sa pagsusulong ng kanilang ipinaglalaban o paniniwalang pulitikal.
Ayon kay Velasco, sa pamamagitan ng HCR’s 1090, 1091, 1092 at 1093, ay isinusulong din ang pagbuo sa National Amnesty Commission (NAC), na siyang mamahala at mag-aapruba sa ibibigay na amnestiya sa nasabing mga rebel membe, kabilang ang mula sa hanay ng MILF bilang pagtalima na rin sa nilalaman ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
“The amnesty will also provide a meaningful and complete transformation and assimilation of the MILF decommissioned combatants into peaceful and progressive lives towards national reconciliation and healing in the Bangsamoro,” sabi pa ng House Speaker.
Binigyan-diin ni Velasco na kaisa sila sa paniniwala ni Pangulong Duterte na kailangang bigyan ng amnesty ang MNLF members upang makamit ang matagal na inaasam na pagkaroon ng komprehensibo, tunay at pangmatagalan na kapayapaan.
“Both Houses of Congress recognize that transforming MNLF members from armed combatants to productive citizens and peace partners is necessary to achieve the paramount ends of the peace process—national unity, solidarity and progress for all Filipinos,” sambit ng Marinduque province lawmaker.
Para naman sa panig ng mga miyembro ng RPMP-RPA-ABB at CTG, iginiit ni Velasco na sumasang-ayon din ang Lower house sa pag-susulong ng Duterte government na maresolba ang ugat ss paglulunsad ng armadong pakikibaka ng mga ito at sa pamamagitan ng pagpaabot sa kanila ng basic services at social development packages sa tinaguriang conflict-affected areas at vulnerable communities, ay mabibigay-daan ito ang pagkakaroon ng pagkakaisa at kapayapaan. ROMER R. BUTUYAN
68210 765918Just wanna comment that you have a extremely nice internet site , I love the design it actually stands out. 194202
221923 201294Some genuinely marvellous work on behalf with the owner of this web web site, utterly outstanding content material. 699913