KAPAYAPAAN APELA NI DUTERTE (Sa South China Sea dispute)

Pangulong Rodrigo Duterte-3

KAPAYAPAAN ang Apela nii Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng lider sa mga lugar na apektado ng hidwaan kabilang na ang pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sa ginanap na high level debate sa 75th United Nations General Assembly, binanggit  ng Pangulo ang tumataas na geopolitical tensions sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Para sa kanya ay wala ni isa mang makikinabang sa pagtaas ng global tensions lalo na kapag ang armas ay dinala sa labanan.

Tinawagan din  ng pansin ng Pangulo ang mga bansang kasapi ng United Nations na ganap na ipatupad ang Nuclear Non-Proliferation Treaty at ang Chemical and Biological Weapons Conventions.

Binanggit man ng Pangulo ang tagumpay ng FIlipinas laban sa China sa agawan ng teritoryo sa South China Sea ay sinabi niya na ang naturang pasya ng arbitral court ay bahagi na nga­yon ng international law.

“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon,” ayon sa Pangulo.

Ang commitment ani­ya ng Filipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea ay laging naka-salig sa Uni­ted Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Netherlands.

Magugunitang ilang ulit nang hindi kinilala ng China ang 2016 ruling ng arbitral tribunal.

Nagpasalamat din ito sa mga bansa na kumikilala sa arbitral victory ng Filipinas.

“We welcome the increasing number of states that have come in support of the award and what it stands for — the triumph of reason over rashness, of law over disorder, of amity over ambition. This — as it should — is the majesty of the law,” dagdag ng Pangulo.

Ito ang unang pagkakataon na nagtalumpati ang pangulo sa UN.                PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.