KC CONCEPCION NAGPAHIWATIG NA GUSTO NANG PAKASAL

KC CONCEPCION

KUNG totoo man, kahit kulang na lang ang pag-amin sa pagitan ng dalawa, na may namumuong relasyon ngayon between KC Concepcion wallfaceand Pinoy American rapper Apl de Ap, malamang sa lahat ng naging karelasyon ni KC ang sa kanilang dalawa ang pinaka-maigsi. Eh, kasi naman ay pinag-iisipan na ngayon ni KC ang pagkakaroon na ng hubby at makakasama sa buhay. As in, hindi in the near future niya balak mag-asawa kundi in the near possible time.

Maraming followers ang anak ni Megastar Sharon Cuneta sa social media ay na-shock sa biglaang pag-sasabi ni KC sa isa nitang post na matapos lang daw ang kinakaharap na problema ngayon ng bansa, ang COVID-19 pandemic, ay ang pagpapakasal naman daw ang haharapin niya.

Dahil nasa quarantine, solo lang si KC ngayon sa kanyang tahanan, walang personal assistant na kasama dahil  happy ang huli sa lovelife.

Say pa ni KC, pray niya kay Lord na ikonsidera na ang pagwawakas ng kanyang pagiging single at aayusin niya ito after ng COVID-19 scare. At sana naman daw, dagdag ni KC sa kanyang wish, siya na ang kasunod na makapag-asawa after her PA.

Bukod sa bagong haharapin, thankful din si KC na naayos na rin ang gusot nila ng kanyang ina. Sa isang post kc ni Ate Shawie sa kanyang socmed, buong pag-mamalaking pino-promote ni Sharon ang YouTube Channel ni KC.

 

CELEBS KANYA-KANYA SA PARAAN NG PAG-AAMBAG NG NAKAYANAN SA TRAHEDYA NG BANSA

KANYA-kanyang paraan ang celebrities ngayon para ma-iabot ang kanilang ambag sa pinagdadaanang trahedya ng bansa, ang COVID 19 pandemic. Si Bela Padilla ay lumikom ng salapi at namahagi ng food and medical supplies sa mga frontliners, samantalang si Pokwang naman ay nagbigay rin ng kanyang suporta sa pamamagitan ng paggawa personally ng mga sandwiches at iba pang pagkain at binigay sa ating mga kababayan at volunteers.

Samantala, para kahit paano ay makagaan sa mga problema at kalungkutan, nag-recording naman si Julie Anne San Jose ng isang inspirational song, ang OST ng movie na ‘Stand By Me’.

Isang kanta na tatagos sa puso ng mga makakarinig na nagbibigay inspirasyon na sa gitna ng kalamidad o pagdurusa ay mayroon tayong Diyos na gagabay sa ating lahat at may mga taong handang dumamay sa bawat isa.

At dahil on hold ngayon ang Sunday musical variety show niyang ‘All Out Sunday’ ay minarapat ng singer/actress na ang acapella version niya ng kanta ay i-upload sa kanyang YouTube Channel. Through music naman ang ambag ni Julie Anne.

Comments are closed.