PATULOY pa rin ang imbestigasyon matapos matagpuang wala nang buhay ang isang lalaki na iniwan na lamang sa isang kalsada sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Natagpuan ang naturang bangkay ng isang lalaki bandang alas-3:30 ng madaling araw sa 14th St. sa harapan ng Galleria New Manila, Brgy. Damayang Lagi.
Nakilala naman ang bitktima base sa nakuhang Philippine Red Cross ID nito na si Fernando Taleon, tinatayang nasa 25-30 anyos na residente ng 276-A Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila.
Nakasuot ito ng T-shirt dominant white na may black stripe, black short pants, at may tattoo sa ibabang banda ng kanyang likuran na “Albia”.
Agad namang ipinagbigay alam ng saksi na siyang nakakita sa bangkay na lamang ng biktima na tumangging magpakilala, base rito naglalakad ito nang mapansin ang katawan ng biktima na wala nang buhay.
Agad naman nitong tinawag sa opisyales ng Barangay Damayang Lagi na siya namang tumawag sa PS-11 bago pa man i-turn over sa Criminal and Investigation and Detention Unit (CIDU). PAULA ANTOLIN
Comments are closed.