KEN CHAN KINIKILALA PA RING MANAGER ANG YUMAONG KUYA GERMS

MALAKI ang naging papel ng yumaong Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno sa youngwallface actor na si Ken Chan. Si Kuya Germs ang dating na­ngangalaga ng karir ni Ken Chan, karay-karay niya sa Ken sa mga shows niya, sa radio man o telebisyon.

Nang unti-unti nang gumagawa ng pangalan si Ken ay sumakabilang-buhay naman ang kanyang mentor. Ngayon,  bukod sa sumikat na ang young actor sa larangan ng mga teleserye kung saan ay dalawa ang hit na  ginawa niya kung saan siya ang lead role, ang “Destiny Rose” bilang isang transgender at sa “My Special Tatay” na  ang kanyang karakter ay isang may Intellectual disability.

Nagkaroon na rin siya ng concert na ginanap sa Music Museum. First love talaga ni Ken ang pagkanta at naalaala niya na karay-karay lang siya noon ni Kuya Germs sa pano­nood ng concert sa Music Museum, kung kaya nang mabigyan ng chance na makapag-perform sa stage ng naturang venue ay maluha-luhang pinasalamatan ni Ken ang yumao niyang manager.

Ani ng young actor naniniwala siya na hanggang sa ngayon ay andun pa rin si Kuya Germs na sumusubaybay sa kanya at tumatayong manager pa rin niya.

BISTEK BABALIKAN ANG FIRST LOVE

SA nakaraang pa-birthday blowout sa entertainment media ng pamilya Bautista sa pa­ngunguna ni Mayor Herbert Bautista, ay masa­yang sinabi ng managing direktor ng movie production outfit na si Harlene Bautista na tuloy ang gagawin nilang paghakot ng awards para sa Heaven Best Production movie outfit na “Rainbow Sunset”.

Dadalhin pa raw ni Harlene ang kanilang pelikula sa iba’t ibang international film festivals. And speaking of film projects, right after his terms as Mayor ng Quezon City ay balik-showbiz limelight si Mayor Bistek, hindi pa nga lang siya sure kung sa pagiging artista siya sasabak o sa pagiging direktor na isa rin sa nais niyang gawin sa loob ng showbiz world.

Comments are closed.