NAGIGING emosyunal si Kim Chiu kapag napag-uusapan ang kanyang pamilya. Tulad din kasi ng ibang Chinese father ay halos ganoon din ang kanyang ama na may ibang pamilya rin bukod sa kanilang pamilya na hindi naman itinatanggi ng actress.
Sa isang interview ay sinabi niya, “In real life, I am the first family. My dad also has other wives. Pero ako ‘yung una. So, it`s kinda challenging for me to play the second family. Kasi sila ‘yung parang hindi masyadong pinapansin. Pero pinapansin sila ng Papa ko.”
Ang Papa raw niya ay parang si Adam Wong, character na ginagampanan ni Boyet de Leon sa “Love Thy Woman” na ama niya sa serye.
“Eto talaga ‘yung nangyayari sa pamilya ng totoong Chinese family. Kaya nga pag tinitingnan ko pag nag-aarte kami, sabi ko, “shucks kawawa rin pala ‘yung mga anak ng Papa ko.”
Dahil daw sa “Love Thy Woman” ay naiintindihan na niya kung ano ang nararamdaman ng second family.
Kasi daw kapag first family ay parang ikaw ‘yung pinakamatapang. Ang character niya sa serye ay second family. Kaya ngayon ay naiintiindahan na niya ang pakiramdam ng mga kapatid niya sa labas.
Hindi naman daw niya inililihim ang tungkol sa kanyang malaking pamilya dahil pino-post naman daw niya ito sa kanyang social media account.
“Marami kami, masipag ang Papa ko. Mapagmahal ang Papa ko, and it really happens talaga. Totoo talaga siya and accepted siya ng lahat ng wives. Pero hindi ipinapakita. But in this teleserye, you can see what really happens inside a modern Chinese family,” pahayag pa ni Kim.
Naging emosyunal si Kim nang tanungin kung paano nabago ang tingin niya sa love.
“Growing up, lagi akong nagwa-wonder, nasaan ang Papa ko, lagi siyang nawawala. Ang dami kasi niyang pinupuntahan. Hindi kasi siya bahay, city siya. So, nililipad niya talaga yun.”
Habang lumalaki raw siya ay naging okey na siya kahit wala siyang father figure. Kapag may special event naman daw ay dumarating ang kanyang Chinese dad.
Parating nasa honor daw siya noon sa elementary at in fairness sa kanyang ama ay dumarating naman daw ito para sa awarding ceremony at ito ang nag-a-award sa kanya.
Bale ‘yung din daw ang naging motivation niya para mag-aral nang mabuti at para everytime na may award siya ay darating ang kanyang ama.
Nang sa birthday event naman ang kanyang ikukuwento ay bigla nang nag-crack ang kanyang boses at hindi na niya nagawa ituloy dahil naiiyak na siya.
At kaya raw siya iyakin sa “Love Thy Woman” ay dahil sobrang nakaka-relate siya sa sa takbo ng istorya.
KC CONCEPCION MAY MATINDING PINAGDARAANAN
DINADASAL ngayon ni KC Concepcion sa pagpasok ng taon 2020 sa Diyos, all the good. Post kasi ni KC sa kanyang Instagram ay may caption na: “Dear God pls bless this year & grant me all the good. I`ve ever hoped for #2020vision.”
Tila may matinding pinagdaraanan nga ngayon ang panganay na anak ni Sharon Cuneta kaya ganoon na lang ang mensahe nito. Sa likod pala ng masasayang posting niya sa kanyang social media account ay hindi pala smooth sailing ang kanyang personal life.
Ang sure lang sa ngayon ay mayaman pa rin si KC at hindi nito problema ang pera kahit hindi na siya mag-artista.
Sa unang posting kasi ni KC sa kanyang Instagram habang hawak ang kanyang salamin ay sinabi niya na nagdeposito siya sa bangko kung saan nakikipag-usap siya sa kanyang banker.
“Me after financial planning, sitting with my banker, making deposits, planning out a budget for the next 6 months. Everyday teaches us something. Every mistake a learning experience. #adulting,” aniya.