Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Columbian vs Magnolia
7 p.m. – Rain or Shine vs Alaska
NAGPASABOG si Justin Brownlee ng 34 points at gumawa ng krusyal na defensive stop sa mga huling segundo ng laro nang maungusan ng Barangay Ginebra ang Phoenix, 101-99, sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Cagayan de Oro City.
Umangat ang Ginebra sa 5-1 kartada upang agawin ang solong liderato sa team standings mula sa Fuel Masters, na bumagsak sa 5-2 matapos mapu-tol ang kanilang 3-game winning streak.
Tumipa si Scottie Thompson ng 12 poins, 14 rebounds at 6 assists upang tanghaling ‘best player of the game’.
May pag-asa pa ang Phoenix na makahirit ng overtime, subalit nakagawa ng error si Filipino-Canadian Matthew Wright sa huling 10 segundo.
Dinomina ng Barangay Ginebra ang laro sa kabila na wala sina Japeth Aguilar at Greg Slaughter at hinayaan sina Brownlee, LA Tenorio, Joe De-vance, Scottie Thompson at Jeff Chan na tumapos sa Phoenix. CLYDE MARIANO
Iskor:
Ginebra (101) – Brownlee 34, Devance 15, Thompson 12, Tenorio 10, Caperal 8, Ferrer 8, Mariano 6, Caguioa 4, Chan 4.
Phoenix (99) – Wright 27, Phelps 23, Abueva 17, Perkins 13, Jazul 6, Chua 5, Intal 4, Wilson 2, Alolino 2, Revilla 0.
QS: 19-22, 49-52, 78-72, 101-99.
Comments are closed.