PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso sa mabilis na pagsasabatas ng mga panukala na makatutulong sa sambayanan.
Iprinisinta kahapon sa Malacañang ng Pangulo ang mga naaprubahang Republic Act 11057 o ang Personal Property Security Act, RA 11058 o ang
Act strengthening the compliance with occupational safety and health hazards at ang RA 11079 o an act mandating the integration of Maasin City College into Southern Leyte State University.
Ayon kay Duterte, ang pagpapasa sa mga ito ay nangangahulugan na isinantabi ng mga mambabatas ang kanilang pagkakaiba at ipinasa ang mga batas na makatutulong sa sambayanan.
Nagpasalamat ang Pangulo sa Kongreso sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa legislative agenda ng administrasyon habang pinapanatili ng independence.
Comments are closed.