KRIS BERNAL MAAGANG NAGING SUGAR MOMMY

kris bernal

SA teleseryeng “Asawa Ko, Kari­bal Ko” ay isang martir na babaeng super dedicated and in love sa wallfacekanyang mister na may tinatagong lihim na pagkatao ang papel ni Kris Bernal. Maning-mani kay Kris na gampanan ang naturang role, parang hindi siya umaarte. Kaya nga ba hindi nakatakas sa katanungan si Kris kung sa kanyang past love affair ay may minahal na siyang todo-todo?

Say ng young actress, kung sa pagmamahal lang daw ay “all mine to give” daw siya. Baklang-bakla ang dating ni Kris. Halos ibigay niya ang kanyang lahat ng oras at emosyon sa naturang ex-boypren niya. Ani pa ni Kris, may punto pa nga raw na siya ang nagbibigay ng mga regalo sa boypren at ta­nging naging kapalit ay ang pagmamahal ng guy.

Kung susumahin daw ni Kris ang kanyang nagastos para sa ex-boypren ay malaki-laking halaga rin ito. Ngayon ay natuto na raw si Kris. Hindi na raw siya isang “sugar mommy”  tulad ng dati at kung magbibigay raw siya ng regalo sa current boypren niya ay hindi na sing laki ng halaga sa binigay niya sa nakalipas na relasyon. Tsika nga, super kuripot si Kris at super tipid sa sarili pero pagdating sa pag-ibig ay buhos-biyaya.

Ani ni Kris, totoong ma­tipid siya pero praktikal lang naman daw siya sa buhay at ang pagkakama­ling nagawa niya noon sa nakaraang love affair ay iniayos na ni Kris, ‘yun nga lang super laki naman ng “tuition”  niya para matuto sa pakikipagrelasyon. Habang abalang-abala sa taping ng top rating teleserye niyang “Asawa Ko, Karibal Ko” ay kakaibang Kris Bernal ang mapanonood naman sa upcoming war on drugs-themed film na ginagawa ni Kris, ang  “Kontradiksyon.”

Gaganap ang Kapuso leading lady bilang isang drug pusher at user sa pelikula. Malaking hamon ito sa aktres kaya naman lubos niya itong pinag­handaan sa pama­magitan ng panonood ng iba’t ibang documentaries para malaman kung paano nag-iisip ang mga taong nasa ilalim ng impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.

KC CONCEPCION TO WED IN 2019

kc conceptionPAHIWATIG ba ng kaibigan ni KC Concepcion ang soon to wed na si Iza Calzado ang komento niya sa isang photo ni KC kasama ang isang babaeng modelo na magpapakasal na ang kaibigan sa darating na 2019?

Say kasi ni Iza sa komento niya “2019 is just around the corner, I can’t wait’. Tuloy nagkasunod-sunod na ang iba pa niyang komento na naghihinalang kasalan na nga ang susunod na chapter sa romansang KC Concepcion at French boypren na si Pierre-Emmanuel Plassart. Kung pagbabasehan naman kasi ang mga larawan na pino-post ni KC sa kanyang social media account ay kitang-kita ang sweetness nila ng boypren. At karamihan ng post ni KC ay kasama ang French bf.

Maging ang kanilang mga pamilya ay boto sa isa’t isa lalo na si Sharon Cuneta na hayagang nagsasabing boto rin siya sa bagong bf ng anak. Pasok na pasok na rin naman ang dalawa sa marrying age, si KC ay 33 years old na sa ngayon samantalang ang boypren ay 36 years old na rin. Hindi naman kaya may ibang pakahulugan si Iza sa comment niya sa kaibigan at walang kaugnayan ito sa pagpapakasal ni KC at Pierre?

JASMINE CURTIS-SMITH AT GLAIZA DE CASTRO JOIN SA ISANG MOVIE

ISA palang sci-fi ang pelikulang ginagawa ngayon ng dalawang Kapuso stars na sina Jasmine Curtis glaiza and jazmineSmith at Glaiza de Castro at kita sa social media accounts nilang dalawa na masaya sila sa bawat taping nito.

Mukhang may kababalaghan ang tema ng pelikula at inaasahang sakto ito sa panlasa ng mga millennial kaya ngayon pa lang ay inaabangan na ang  magiging kalalabasan nito.

Samantala, sa pinagbibidahan naman ni Jasmine sa GMA Telebabad na “Pamilya Roces,” mas nagiging matindi ang alitan ng karakter niyang si Pearl at mga kapatid. Naakusahan siyang nagnakaw ng alahas, at galit na galit sa kanya si Jade (Gabbi Garcia). Mukhang mahaba pa ang pagdaraanan nilang magkakapatid bago magkasundo, dahil sa ngayon ay mas lumalawak lang ang hidwaan nilang lahat. Paano nga ba magkakaisa ang “Pamilya Roces?”

Comments are closed.