LAKERS SA PLAYOFFS

lakers vs warriors

NA-BEAT ni LeBron James ang shot clock sa pamamagitan ng isang 34-foot, tiebreaking 3-pointer, may 58.2 segundo ang nalalabi, na nagbigay sa Los Angeles Lakers ng 103-100 panalo laban sa bisitang Golden State Warriors sa Western Conference play-in game.

Ang panalo ay naghatid sa Lakers sa No. 7 seed sa West playoffs main draw at sa first-round matchup sa second-seeded Phoenix Suns sa series na magsisimula sa Linggo.

May isa pang pagkakataon ang Warriors, na tumapos na No. 8 sa regular season, na masambot ang isang playoff berth, sa pagharap sa  No. 9 Memphis sa San Francisco sa Biyernes.

Nakuha ng Grizzlies ang karapatang makasagupa ang Warriors sa win-or-go-home game nang gapiin ang 10th-seeded San Antonio Spurs, 100-96.

Tumapos si Anthony Davis na may team-high 25 points at tumipa si James ng 22 para sa Lakers, ang defending NBA champions na may seventh-best record lamang sa West sa regular season.

Nakumpleto ni James ang triple-double na may 11 rebounds at game-high 10 assists, habang kumalawit si Davis ng team-high 12 rebounds.

Nag-ambag si Alex Caruso ng  14 points mula sa bench, gumawa si Dennis Schroder ng 12 at umiskor si Kentavious Caldwell-Pope ng 10 para sa Lakers, na nagwagi sa kabila na na-outshoot,  44.6 percent sa 40.7 percent overall at na-outscore, 45-30 sa 3-pointers.

Nagbuhos si Stephen Curry ng game-high 37 points para sa Warriors, na tinalo ang  Memphis sa home sa huling araw ng regular season upang kunin ang eighth seed sa play-in tournament.

Nag-ambag sinAndrew Wiggins ng 21 points, habang kumamada si Jordan Poole at Kent Bazemore ng tig-10 points para sa Golden State. Si Kevon Looney ang leading rebounder ng laro na may  13.

GRIZZLIES 100,

SPURS 96

Nagtala si Jonas Valanciunas ng 23 points, 23 rebounds at 3 blocked shots at nanatiling buhay ang Memphis Grizzlies para sa isang playoff spot nang pataubin ang bisitang San Antonio Spurs, 100-96.

Kumana si Dillon Brooks ng game-high 24 points at nagdagdag si Ja Morant ng 20 para sa Grizzlies.

Umiskor sina DeMar DeRozan at Rudy Gay ng tig-20 points para sa San Antonio, na hindi maglalaro sa playoffs sa ikalawang sunod na season makaraang mapantayan ang NBA record na 22 sunod na appearances.

Nagdagdag si Keldon Johnson ng 11 points at  11 rebounds, nagsalansan si Dejounte Murray ng 10 points, 13 rebounds at 11 assists at nakakolekta si Jakob Poeltl ng 10 points, 10 rebounds at 5 blocked shots para sa Spurs.

Nagposte si Jaren Jackson Jr. ng 10 points para sa Memphis, na bumuslo ng 44.4 percent mula sa field at nagsalpak ng 7 of 22 (31.8 percent) mula sa 3-point range. Tangan ng Grizzlies ang 18-2 edge sa fast-break points.

3 thoughts on “LAKERS SA PLAYOFFS”

Comments are closed.