SUGATAN ang tatlo katao habang ligtas si Masiu, Lanao del Sur Mayor Nasser Pangandaman Jr. nang pagbabarilin sila ng mga hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Lanao del Sur PPO, nagana pang pananambang sa bayan ng Buadipuso Buntong at pinuntirya umano ang sinasakyan ni Pangandaman at mga tauhan nito.
Sinasabing nasa mabuti nang kalagayan ang alkalde, subalit sugatan ang tatlong tauhan nito.
Nagtamo ng sugat sa tiyan ang police escort na si Police Corp. Jabbar Pangandaman, habang tinamaan din ng bala ang driver na si Jamal Pangandaman at isang empleyado ng munisipyo na si Casanoding Mangandog. VERLIN RUIZ