(Lumabas sa frontpage ng Bangkok Post) NBI PASOK SA FAKE NEWS VS DUTERTE

Martin Andanar

NAGPASAKLOLO na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay ng kumalat na pekeng balita hinggil kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos lumabas ang edited na frontpage  ng Bangkok  Post kung saan makikita ang larawan ni Pangulong Duterte habang pinag-sasabihan umano ng Thailand King na umaayos  o mag-behave sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, humingi na sila ng tulong sa cyber forensic division ng NBI para matukoy ang nasa likod ng pagpapakalat ng nabanggit na pekeng balita.

Paliwanag ni Andanar, mahalagang ma-trace ang pinagmulan ng maling balita dahil posible itong makaapekto sa magandang relasyon ng Filipinas at Thailand.

Una nang iginiit ni Andanar na fake news ang lumabas na larawan ng Bangkok Post kasabay ng pagpapakita ng orihinal na kopya nito kung saan hinggil sa 5-g cellphone ang nakalagay sa frontpage.

Inaasahang pag-uusapan ng mga Asian leaders sa 35th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit ang gusot sa South China Sea.

Kasalukuyang ginaganap sa Thailand ang nasabing pulong ng mga lider sa Asia-pacific region.

Samantala, hindi  makadadalo  sa pulong si United States  President Donald Trump at  ang  mga  kinatawan nitong sina Commerce Secretary Wilbur Ross at White House national security adviser Robert O’Brien.

Kakatawanin  naman  ang China ng kanilang premier na si Li Keqiang.

Nauna nang sinabi ng Thailand na tila hindi interesado sa pagdalo sa Asean Summit ang ilang American leaders lalo’t inaasahan ang pagbandila ng China ng kanilang trade agreements sa ilang bansa sa Asya.

Comments are closed.