LUMIKAS SA PAG-ALBOROTO NG TAAL VOLCANO LUMOLOBO

TAAL VOLCANO

CAMP AGUINALDO- LUMOBO pa sa ikaapat na araw ang bilang ng mga apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction Mangement Council (NDRRMC), sumampa na sa 12,486 pamilya o nasa 53,019 katao ang nailikas at 43,681 dito ang nanunuluyan sa 217 eva­cuation centers.
Nasa tatlong road section ang hindi passable sa ngayon dahil sa phreatic eruption.
Siniguro naman ni Timbal na sapat ang mga food supplies para sa mga evacuees.
Ang local government units kasama ang Department of Social Welfare Development (DSWD) ang nangu­nguna sa pamamahagi ng food at non-food items sa mga evacuee.
Samantala, umabot na sa halos limang milyong piso ang naipaabot na tulong ng DSWD at DOH sa mga apektado ng pag-alboroto ng bulkan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.