(Lusot na sa House panel) P1-M MULTA SA GAME-FIXING

John Marvin Nieto

BINALAAN ng House Committee on Youth and Sports Development ang sinumang nasa likod ng game-fixing sa mas mabigat na parusang kanilang kakaharapin.

Ito ay kasunod ng pag-apruba sa panukalang batas na naglalayong amyendahan ang mahigit sa apat na dekada nang Presidential Decree No. 483, na nagtatakda ng kaparusahan sa illegal betting, game-fixing, point shaving at iba pang uri ng pagmanipula sa resulta ng sports contests.

Ayon kay Manila 3rd Dist. Rep. John Marvin

‘Yul Servo’ Nieto, chaiman ng naturang komite, desidido silang matuldukan ang gawaing sumisira sa integridad ng bawat sports event o tournament sa bansa at masigurong kung hindi man ganap na mahinto ay tiyak na magdadalawang-isip muna ang mga may pakana ng game-fixing.

“Scrupulous individuals and syndicates behind game result manipulations earn staggering millions of pesos at the expense of the athletes and the games, while the old law could penalize them only up to P2,000.00, aside from the fact that It will entail a hard court battle to put them in jail,” pagbibigay-diin ng award winning actor-turned politician.

“Ito po ang dahilan kung bakit namamayagpag pa rin sila sa sektor ng palakasan. Ayaw po natin itong magpatuloy sa ngalan ng integridad ng bawat palaro natin gayundin ng ating mga

manlalaro. Sa isinusulong po natin na batas, mas madali silang matutukoy at mapananagot,” dugtong pa niya.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang aktuwal na pagbabayad, pagtanggap ng pera o anumang bagay na may halaga na ang kapalit ay pag-mamanipula sa laro ay hindi na kailangan para ito ay matukoy bilang isang uri ng game-fixing, ngunit magagamit ito bilang prima facie evidence sa paggawa ng nasabing krimen.

Mahaharap sa multang hanggang P1 milyon ang sinumang mag-aalok, magtatangka at makikipagsabwatan para sa game-fixing

Ang Games and Amusements Board (GAB) ay bibigyan ng kapangyarihan na suspendihin o kaya’y tuluyang ipawalang-bisa ang professional license ng manlalarong sangkot sa kaso.

Habang ang Philippine Sports Commission (PSC) ay maaaring magtanggal ng athletes, coaches, at sports officials mula sa national team. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.