MALACAÑANG NAGPASALAMAT SA TIWALA NG PINOY KAY PDU30

Spokesperson Harry Roque-2

PINASALAMATAN ng Malacañang officials ang taumbayan dahil matatag pa rin ang paniniwala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil nakamit pa rin ng Pangulo ang very good rating nang maitala net trust rating na +57 sa ikalawang kwarter ng 2018 batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) sa kabila ng patuloy na pagbanat ng mga kritiko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpasalamat ang pangulo sa natatamasa nitong tiwala sa kanya ng mga mamamayan sa gitna ng mga kinakaharap ng problema ng bansa ngayon.

Nagpakumbaba ang Palasyo sa resulta ng bagong survey ng SWS, subalit anuman ang ratings, sinabi ni Roque na nakapokus pa rin ang pangulo sa trabaho nito na pamunuan ang bansa.

Paliwanag ni Roque, marami pang dapat gawin lalo na sa pagtulong sa mga mahihirap na Pinoy.

Doble-kayod aniya ang gobyerno sa pagtulong sa mga pamilya na naapektuhan ng mataas na presyo ng mga bilihin kasabay ng pagpapanatili ng stable na ekonomiya.

Ang bagong rating ni Duterte ay walong puntos na mababa sa +65 rating noong unang quarter ng taon. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.