MAPIPILING HOUSE SPEAKER APRUB KAY DUTERTE

DUTERTE-37

KOMPORTABLE si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinuman sa mga kandidato sa pagka-Speaker of the House, sapagkat lahat sila ay itinuturing niyang political allies.

Sa pinalabas na statement ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo nananatiling “neutral” ang posisyon ng Pangulong Duterte sa usapin ng susunod na House Speaker.

“The President yesterday made clear his position that he would leave the choice for Speakership to the capable hands of the members of Congress and will not endorse a particular individual for the position. May the best and most competent aspirant win,” sabi ni Panelo.

Kabilang sa mga nag­hahangad na maging susunod na House Speaker ay sina Taguig City Representative Alan Peter Caye­tano, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, at  Leyte Rep. Martin Romualdez.

Ayon kay Panelo,  ang itinalaga ng partido ng Pangulo na  Partido Demoktatiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ay si Senador Emmanuel Pacquiao na siyang mag-aanunsiyo ng magiging manok nila para sa Speakership.

Sa ginawang pag­titipon, inanunsiyo ni Pacquiao na si Velasco ang sinusuportahan ng ruling PDP-Laban para sa Speakership.

“President Duterte is confident that the next Lower House leader would shepherd his legislative agenda for the nation’s best interest and the people’s general welfare,” giit ni Panelo.

Ayon pa kay Panelo tiwala ang Malakanyang na iluluklok ng mga kongresista bilang House Speaker ang sa tingin nila ay siyang magsisilbing “excellent steward” para sa mga legislative policies at measures na makapagbibigay ng  positibo at tunay na pagbabago para sa sambayanan.

Aniya, mas nanaisin pa ng Pangulong Duterte na tutukan ang pamamahala sa gobyerno kaysa makisali pa sa usapin ng politika.

“The latter is simply not the character and style of the Chief Executive,” dagdag pa ni Panelo.

Ang 18th Congress ay magsisimula sa Hulyo.                EVELYN QUIROZ

Comments are closed.