MAVS PINAAMO ANG BULLS

NBA

NAPANTAYAN ni Grant Williams ang kanyang career highs na 25 points at pitong 3-pointers at umangat ang Dallas Mavericks sa 4-0 sa unang pagkakataon magmula noong 2004-05 season nang maitarak ang 114-105 panalo laban sa bisitang Chicago Bulls noong Miyerkoles.

Nagtala si Tim Hardaway Jr. ng season highs na 24 points at pitong 3-pointers para sa Dallas, na sinimulan ang season sa 4-0 sa ika-4 na pagkakataon pa lamang sa franchise history. Ang Mavericks at Boston Celtics ang iba pang unbeaten teams sa NBA.

Nag-ambag si Luka Doncic ng 18 points, 10 assists at 7 rebounds para sa Dallas. Nangunguna siya sa NBA sa scoring
na may 33.8 points per game.

Umiskor si Zach LaVine ng 22 points at nagdagdag si Nikola Vucevic ng 21 points at season-high 20 rebounds para sa Bulls.

WARRIORS 102,
KINGS 101

Isinalpak ni Klay Thompson ang isang contested jumper sa la- bas ng free-throw line, may two-tenths ng isang segundo ang nalalabi, na nagbigay sa Golden State ng isa pang panalo kontra Sacramento sa San Francisco.

Umangat ang Golden State sa 2-0 sa early-season games laban sa Sacramento, na rematches ng first-round playoff matchup noong nakaraang season na napagwagian ng Warriors sa pitong laro.

Sumandal si Kings’ Domantas Sabonis (23 points, 11 rebounds) sa isang 20-footer sa ibabaw ng foul line upang bigyan ang Sacramento ng 101-100 kalamangan, may 14.5 segundo ang nalalabi. Pagkatapos ay nabigo ang Warriors na ilibre si Stephen Curry, ang kanilang leading scorer na may 21 points.

LAKERS 130,
CLIPPERS 125 (OT)

Nagbuhos si LeBron James ng 35 points at kumalawit ng 12 rebounds at humabol ang Los Angeles Lakers mula sa
maagang 19-point deficit upang putulin ang 11-game losing streak laban sa bisitang Los Angeles Clippers sa pamamagitan ng overtime victory.

Kumabig si Anthony Davis ng 27 points at 10 rebounds at kumamada rin si D’Angelo Russell ng 27 para sa Lakers, na umangat sa 3-0 sa home games ngayong season. Tinalo ng Lakers ang Clippers sa unang pagkakataon magmula noong July 2020 sa NBA bubble malapit sa Orlando.

Tumapos si Kawhi Leonard na may 38 points at naitala ni Paul George ang 20 sa kanyang 35 sa fourth quarter para sa Clippers na natalo sa parehong araw na naging opisyal ang trade ni James Harden sa koponan. Nag-ambag si Russell Westbrook ng 24 points at 11 rebounds laban sa kanyanh dating koponan.

CELTICS 155,
PACERS 104

Nakakolekta si Jayson Tatum ng 30 points, 12 rebounds at 4 assists upang pangunahan ang host Boston sa panalo laban sa kulang sa taong Indiana.

Nahila ng Boston ang kanilang winning streak sa apat na laro. Ito ang unang pagkakataon na sinimulan ng Celtics ang season na may higit sa tatlong sunod na panalo magmula noong 2009, nang magwagi sila sa kanilang unang anim na laro. Naghabol ang Indiana ng hanggang 53 points sa fourth quarter.

Naglaro ang Pacers na wala sina point guard Tyrese Haliburton (ankle) at backup center Jalen Smith (knee). T.J. Umiskor si McConnell ng team-high 18 points at kumalawit ng 7 rebounds para sa Pacers.

RAPTORS 130,
BUCKS 111

Tumirada si Pascal Siakam ng season-best 26 points at pinataob ng Toronto ang bisitang Milwaukee.

Nagdagdag si Scottie Barnes ng 21 points at 12 rebounds para sa Raptors, na pinutol ang three-game losing streak.

PELICANS 110,
THUNDER 106

Nagposte si CJ McCollum ng season-high 29 points upang pangunahan ang New Orleans sa come-from-behind victory kontra host Oklahoma City.

Nagdagdag si Zion Williamson ng 20 points at gumawa si Jonas Valanciunas ng 19 para sa Pelicans.

Nanguna si Shai Gilgeous-Alexander para sa Thunder na may 20 points, habang nagdagdag si Chet Holmgren ng 19 points at 11 rebounds.

Sa iba pang laro, nilambat ng Nets ang Heat, 109-105; pinaso ng Trail Blazers angPistons, 110-101; dinispatsa ng Cavaliers ang Knicks, 95-89; kinalawit ng Hawks ang Wizards, 130-121; at pinasabog ng Rockets ang Hornets, 128- 119.