MAY MANANAGOT SA LANDSLIDE SA BENGUET–DUTERTE

DUTERTE-

ISANG  malinaw na kaso ng kapabayaan  ang nangya­ring pagguho sa isang abandonadong minahan sa Itogon, Benguet kaya tiniyak ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte  na may mananagot sa nasabing trahedya.

“Itong mga minero, the rich ones, parang there’s a penchant for violating the law. Kasi no one is arrested,”  ayon kay Duterte.

Naganap ang trahedya sa kalagitnaan ng pananalasa ng bagyong Ompong sa hilagang Luzon.

Personal na  nagsagawa ng aerial inspection si Duterte sa lugar at nakipag-usap sa mga kaanak ng mga biktima ng landslide.

Pinulong din ng Pangulo ang mga lokal na opisyal ng Benguet na nagbigay sa kanya ng ulat kaugnay sa lawak ng pinsala ng nagdaang bagyo.

Muling inihayag ng Pa­ngulo na sa simula pa lamang ay hindi na siya pabor sa mi­ning activities.

Kasunod nito ay inatasan ni Duterte si Environment Sec. Roy Cimatu na gumawa ng mga hakbang na magbibigay ng mahigpit na pagtutok sa lahat ng open-pit mining sa bansa.